Panibagong tea na naman ang pinagkakaguluhan ng mga netizen tungkol umano sa alleged third party za kakapanalo lang sa Miss Universe Philippines na si Bea Luigi Gomez. 

Sa isang Facebook page, naka post ang photos nila ni Miss Universe Philippines Bea Gomez at ang kanyang long-time girlfriend na si Kate Jagnon. 

Sa ibinahagi ng page na ito, mayroon umanong third party na naganap sa relasyon nila ni Bea at Kate. Ang pangalan ng nadawit na lalaki ay kilala bilang si Johnny Batumbakal. 

Ayon dito, nag post daw noon si Bea ng photo ni Johnny sa kanyang Instagram account at kalaunan ay dinelete lang din. 

Unang nilahad ni Johnny ang pagbabahagi umano ni Bea sa Instagram ng larawang magkahawak kamay nitong madaling araw ng Oktubre 16. Hinala nito, kamay ni Bea at isang lalaki ang nasa larawan.

Ang post na ito ni Bea ay naka share lamang sa kanyang mga "close friends" sa kanyang Instagram account. 

At dito na nagtaka ang mga netizen dahil umano sa nakikitang pagho-holding hands umano nilang dalawa. At bakit pa nga ba makipag holding hands sa iba na may jowa na si Bea. 

Si Johnny Batumbakal ay isang DJ at kaibigan nila ni Kate at Bea. Si John umano ang isa sa mga tao na nag welcome kay Bea sa Manila matapos ang Miss Universe pageant.

At isang araw lang matapos ang story ni Bea, in-unfriend agad ni Kate si Johnny at hindi na ito nakafollow sa kanyang kaibigan. 

Ilang araw din matapos ang mga pangyayari, nag deactivate umano si Johnny ng kanyang Instagram account at binalik din naman ito kaagad. 


Ngunit sa pagkakataong ito, naka turn off comments na at deleted na ang mga comments sa posts niya. Ito raw ay madalas mag comment si Kate sa post ni Johnny. 

Ayon pa dito, may private account din si Bea. Nalaman din na ito ay finollow din ni Johnny at pati na rin ang kapatid umano ni Bea.

Sa ngayon, maraming mga mutual friends nila ang nag unfollow na kay Johnny Batumbakal dahil umano sa umuugong na pinaghihinalaang third party. 

Marami rin sa mga netizen ang hindi napigilang magpahayag ng kanilang mga komento at opinyon sa nasabing isyu.

"So si John ay isa sa mga taong nag-welcome kay Bea sa Manila after Miss Universe PH pageant. Si John ay friend ni Kate. Si John at pinagkatiwalaan ni Kate. Si John ay inahas si Bea kay Kate,” mabibigat na paratang ng Facebook user.




“We supported you kasi sabi mo ikaw ang magiging boses ng LGBT community? Pero sis parang lalo lang kami naapi sa ginawa mo,” pahayag nito.

Wala pang pahayag si Bea sa nasabing isyu.

Source: facebook