Mainit na usapan na naman ngayon ang pinalabas ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog tungkol sa reaksyon niya umano sa recent statement ni Direk Bobet.

Sa recent vlog ni Ogie, napag-usapan nila ni Mama Loi ang mga rumors tungkol sa pagiging host ni Kim Chiu sa It's Showtime na hindi umano alam ni Direk Bobet.

“Gaano kayang katotoo na isa sa last row daw na tinatawag kung bakit siya nagdesisyon na lumipat ay na-bypass siya dahil kung kailan nag-eere na, doon lang niya nalaman na may bagong host 'yung 'It's Showtime',” sinabi ni Mama Loi kay Ogie.

"Ah si Kim Chiu nga daw 'yung tinutukoy. Oh, 'yun ang hindi naman natin alam. Sila-sila na nagkakaalaman niyan para manghimasok pa tayo diyan at magbigay ng sariling opinyon,” sabi ni Ogie Diaz.

“Dapat lang din talaga na alam ni Direk Bobet 'yung kay Kim Chiu, 'yung pagpasok ni Kim Chiu – kung paniniwalaan natin 'yung sinasabi ni Direk Bobet ah, na hindi niya alam 'yung pagpasok ng bagong host, 'di ba?” dagdag pa niya.

Ayon sa mga ulat, minsan na rin sinabi ni Direktor Bobet na umalis umano siya sa "It's Showtime" dahil hindi na ito 'healthy' para sa kanya.

Matatandaang, marami ang nagtaka sa pagkawala ni Kim Chiu sa noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime at pilit inaalam ng mga netizen ang dahilan sa likod ng pagkatanggal at pagkaalis ng aktres.

September 28, 2020, opisyal na nakasama ng It's Showtime barkada ang Chinita Princess na si Kim Chiu bilang isa sa mga hosts. Dati, makailang beses na ring napanood ng mga madlang pipol si Kim Chiu sa noontime show bilang isa sa mga guests.


Bilang isang guest, marami sa mga Showtime barkada at pati na rin sa mga manonood na isama ang aktres bilang isa sa mga hosts dahil. Kakaibang energy at good vibes ang hatid umano ng aktres sa mga viewers.

Dahil sa magandang performance ni Kim, nitong nakaraang taon lang, nakapag desisyon ang  production team na isama si Kim Chiu sa grupo nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ryan Bang at iba pa.

Dahil dito, marami ang natuwa dahil opisyal ng kasama si Kim bilang isa sa mga hosts ng It's Showtime at nakita rin ng marami ang magandang personalidad ng aktres. Kayang kaya rin daw umanong makipagsabayan ng aktres sa mga co-hosts nito.

Ang pagpasok ng aktres sa programa ay hindi naging madali. Ayon sa ilang mga ulat, pinag-usapan noon na may isang kasamahan sa show na hindi gustong mapasama si Kim sa kanila. Sinabi mismo ni Kim na hindi lahat ng kasama niya sa show ay tanggap ang kanyang pagkakasali bilang isang mga hosts sa show. 

Minsan sa isang mensahe ni Kim kay Vice Ganda noong nag-celebrate ito ng kaarawan sa kanyang show, labis ang kanyang pasasalamat sa komedyante sa pagtanggap sa kanya ng buong-buo nang nakapasok siya sa nasabing show.

Marami ang na-intriga noong sinabi ng aktres na may isang kasamahan sa show na hindi tanggap na parte na siya ng nasabing show. Lumabas ang balita na ang dating director umano ng It's Showtime ang siyang may ayaw na mapasali ang aktres sa kanilang grupo.

Maalalang, umalis ito sa Showbiz matapos ang 11 years, at isa sa mga rason nga aktres ay binabaan umano ang kanyang talent fee. Nangyari ito simula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Sa kabilang banda, humangang lubos ang komedyante na si Vice Ganda kay Kim. Ayon kay Vice, hangang hanga siya sa pagiging propesyonal ni Kim at madali lang umano makabisado ang kanyang mga linya. 

Dagdag pa ni Vice, naramdaman nilang lahat na madaling magkaroon ng koneksyon kay Kim, kaya pinayuhan niya na hayaan lamang ang kanyang sarili na magkamali dahil iyon ang mga nakikita ng mga viewers na kung saan naaaliw sila.

Source: KAMI