Tunay ngang pinagpala ang isang komedyante at aktor na si Vice Ganda. Siya ang tinaguriang "Unkabogable star" dahil sa kanyang mga witty jokes na siyang nagpapasaya sa lahat ng madla.

Bukod sa kanyang magandang career, blessed din siya sa kanyang long-time boyfriend na si Ion Perez. Nagkakilala ang dalawa sa noontime show na "It's Showtime."

Dito ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa't isa at magpa hanggang ngayon ay nanatili pa ring matatag ang kanilang relasyon. 

Pinatunayan din naman ni Ion Perez kung gaano niya kamahal si Vice Ganda. Kahit noong una man ay maraming mga tao ang nagdududa sa kanilang relasyon.

Ngunit, talagang pinatunayan ni Ion ang kanyang pagmamahal kay Vice Ganda at hanggang ngayon, ipinakita pa rin nila ang kanilang pagmamahalan sa isa't isa.

Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng bashers ang dalawa. Ang saklap pa dito, kung sino pa ang miyembro ng LGBTQ community, siya pa ang humusga ng masama kay Vice.


Kamakailan lang, umani ng pambabatikos sa social media ang video ng isang beki. Sa kanyang Facebook video, nakainom sila ng kanyang mga kaibigan at siya.

Napag-usapan nila ang relasyon ni Vice Ganda at Ion Perez, nagagawa pa nilang isipan ito ng masama.

Ayon sa kanila, hindi sila naniniwala na true love ang pagmamahalan na ipinakita ni Ion at Vice. Halata naman daw na pera lang ang habol ni Ion kay Vice. 


Nagawa rin nilang ungkatin ang nakaraan ni Ion. Sinabi nila na dati raw na sumasali si Ion sa mga bikini open sa Pampanga.

Kay nga naman daw, nang nakilala na ni Ion sa Vice, ay hindi na niya binitawan pa ito. Dagdag pa nila, hindi malabong ipagpalit si Vice para sa isang tunay na babae.

Maraming mga netizen din ang nag react sa nasabing pambabatikos ng tatlong beki sa couple na sina Vice at Ion. Ayon sa ilang mga netizen, inggit lang daw ang tatlong beki na iyon kaya nila nasabi ang mga pambabatikos nila sa couple.

Kamakailan lang ay nag trending noon ang isang mamahaling motor na nagkakahalaga ng tatlong milyon ng isa sa mga sikat na aktor na si Ion Perez. Ngayon naman, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa mamahaling sasakyan na ibinahagi ni Ion sa social media.

Hindi nakaligtas si Ion sa mga komento ng ilang mga netizen. Ilan sa mga komento na hindi nagustuhan umano ng aktor ay ang pagsabi ng isang netizen na "katas ng bakla" at "ang katas ng katas ni ion, malayo talaga mararating mo kapag may kabayo ka."


Matatandaang hindi galing sa gaanong mayaman ang pamilya ang hunk celebrity na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Ion sa noontime show na "It's Showtime."

Panoorin ang buong video dito!