Sumabog umano ang galit ng kilalang talent manager at ina ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama kay Vice Ganda dahil sa nagdaang concert nito sa Amerika.

Ayon kay Ogie Diaz, hindi raw nagustuhan ng talent manager na ginagawang katatawanan ni Vice Ganda si Sen. Manny Pacquiao.

“Ang sabi ng ating source, si Annabelle ang medyo na-offend for Manny Pacquiao.

“Ang sabi naman ni Tita Annabelle baka raw hindi nalalaman ni Vice Ganda na si Manny Pacquiao ay 6 na taong naging congressman, 9 na taong senador, 26 years sa boxing at bilyonaryo. 

Siya raw ang makakapag-save ng buong Pilipinas, sabi ni Tita Annabelle,” pagkukuwento ni Ogie.

Dagdag pa niya, ibabalik daw ni Annabelle kay Vice Ganda ang kanyang joke.

Nagtaka naman si Mama Loi sa naging joke ni Ogie kaya tinanong niya ito. 

“P-A-C U, Vice Ganda,” sagot naman ni Ogie.

In-explain naman ni Ogie kung saan nanggaling ang joke na ‘yon.

“Gusto ko lang sabihin kay Tita Annabelle na hindi ko ipinagtatanggol si Vice Ganda rito pero matagal na pong joke ‘yun dito sa mga comedy bars,” paglalahad ni Ogie.

“Ah, ‘yung PACquiao University. Na-gets ko agad kasi noong sinabi mong matagal nang joke, e galing tayo dyan,” sey naman ni Mama Loi.

May parte kasi sa concert kung saan nandoon rin ang mga kapwa komedyante ni Vice na sina Lassy at MC na nag-uusap usap.


“Ang sabi raw kasi, kung magtatayo ng university si Manny Pacquiao ay tatawagin raw itong Pacquiao University na ang mga estudyante ay tatawaging ‘pacers’ at ang mga nanay ay tatawaging ‘mother pacers’,” natatawang saad ni Ogie.

“Na ang shortcut ng Pacquiao University ay Pac U,” dagdag pa ni Mama Loi.

Kaya, marami umano ang nagsend ng mga text messages kay Tita Annabelle tungkol umano sa joke na iyon. 

“Ang sabi nga ni Tita Annabelle, ‘wag si Manny, Vice Ganda’, ang kanyang kandidato. Kasi mataas raw sa survey si Manny Pacquiao. Ang intindihin na lamang daw ni Vice Ganda, ‘yung kandidato niya,” pagpapatuloy ni Ogie.

Muling idiniin ni Ogie kay Annabelle na matagal na itong joke at hindi ito sinabi para pagtawanan ang senador.

“Hindi naman dahil pinagtatawanan si Manny Pacquiao kundi naglaro lang rin sila doon sa pangalan.

Although syempre sa iba, pangit ‘yun na bakit paglalaruan ang pangalan ng isang tao pero alam mo sa kultura nating mga Pinoy, lahat naman kaya nating gawan ng paraan kung paano magiging light ‘yung comedy o magiging light ang mga isyu,” chika pa ni Ogie.


Kaugnay nito, kamakailan lang ay hindi nagustuhan ni Vice Ganda ang word na "kahit" sa paglalarawan ng mga nanay sa anak nilang mga beki.

Sa kanyang Twitter account, pinalagan ng TV host at comedian  ang paggamit ng ilang magulang sa salitang “kahit” sa paglalarawan ng kanilang mga anak na beki.

“VERY WRONG! Proud ako KAHIT na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko KAHIT na bakla.

PERPEK! Proud ako na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko na bakla. Walang kahit kahit!” ‘Yan ang tili ni Vice Ganda.

Sa isang segment sa “It’s Showtime”, ang “Reina Ng Tahanan”, kinorek ni Vice Ganda ang isang madir na may anak na bading.

“Proud ako kahit ganyan siya. Proud na proud bilang nanay, proud na proud talaga ako sa kanya,” say ng madir.

“Hindi proud kahit ganyan siya. Proud ka na ganyan siya,” pagkontra naman ni Vice.

Source: bandera