Panibagong pasaring na naman ang ibinahagi ni Cristy Fermin  sa tinaguriang Unkabogable star na si Vice Ganda tungkol umano sa isang TikTok video.

Sa kumalat na TikTok video, nag viral ang pag resbak ni Vice sa kanyang mga bashers. Gumanti ang komedyante sa pamamagitan ng paglalahad ng kanyang mga natanggap na blessings. 

Hindi nakaligtas si Vice sa komento ni Nanay Cristy. Sa kanyang episode ngayong araw, sa online show na Cristy Ferminute, sinabi ni Nanay Cristy na naawa umano siya kay Vice Ganda. 

Ayon kay Nanay Cristy, hindi totoong masaya si Vice Ganda sa kanyang buhay ngayon. 

“Ako ah, sa kabuuan, naaawa ako kay Vice,” pahayag ng batikang aktor. 

“Ako, una, nanghihinayang ako sa popularidad na hindi naman ipinanganak nang magdamag lang. Nakita ko po ang pagsisimula, nasaksihan po namin ang pagsisimula ni Vice Ganda. Halos dumapa na po siya sa lupa. Kaya lang, nabigyan ng pagkakataon na makilala.” 

“Nanghihinayang ako, pero naaawa ako sa kanya. Ang isang tao na walang peace of mind, ang isang tao na hindi maligaya sa kanyang buhay, sabihin mo na Vice na sinungaling ako, pero 'yun ka. Hindi ka maligaya,” dagdag pa ni Nanay Cristy.

Matatandaang, diretsahang inilantad ng isa mga sikat na kolumnistang si Cristy Fermin ang mga ginawa ni Direk Bobet Vidanes habang siya pa ang direktor ng sikat na noontime show na Kapamilya ng “It’s Showtime.”

“Itinataya ko po ang pangalan ko rito kasi sa akin po nag-text ang mga dati niyang kasama at ito po ay paninindigan ng mga dati niyang kasamahan.

“Ito, bibigyan kita ng sampol, Rommel, para magising nang kaunti itong may kaangasang direktor na ito.



“Mayroong text sa akin na ganito ang sinasabi, ‘Nay, sinungaling si Bobet. Lagi niyang sinasabi ang bobo ni Vhong Navarro. Si Vice naman, basura talaga ang ugali ng bakla. Naririnig ‘yon ng mga cameramen sa headset. Wag siyang magsinungaling,” kuwento ni Cristy.

Sabi pa ni Cristy, hindi raw pwedeng magsinungaling si Direk Bobet dahil naririnig siya ng mga tao sa production. 

Dagdag pa niya, hindi umano siya naniniwala na hindi pera ang dahilan ng paglipat ng nasabing direktor sa kabilang bakod, iginigiit talaga niya na ito ang posibleng dahilan ng kanyang paglipat.

May dalawa raw kasing co-hosts na tila pinagmalakihan pa umano ng direktor ang kanyang ibinigay na offer sa kanya sa kabilang network. 

“Nandoon pa siya sa Showtime, nakikipag-usap na siya doon sa lulundugan niyang produksyon. Anong tawag mo doon, di ba? Hindi pa man naililibing ‘yung namamatay, nakaburol pa lang, iniiwan na. Parang ganon,” sey pa ni Cristy.

Aniya, dapat raw nag-iingat si Direk Bobet at hindi na lang nagsalita umano tungkol sa isyu na matagal nang nakabaon sa ataul. 


“Walang lihim na hindi nabubunyag. Lalabas rin ang katotohanan,” hirit pa ni Nay Cristy.

“Pag nagsasama ang mga nakarinig pati ang mga hosts ng Showtime, dikdik na dikdik talaga siya,” sey naman ni Rommel.

Nabanggit naman ni Nay Cristy si Vice Ganda na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa kaniyang concert.

“Pagbalik ni Vice, hintayin po natin kung ano naman ang kaniyang saloobin sa pag-iyak na luhang buwaya nitong si Direk Bobet Vidanes. Tignan natin,” saad pa ni Nay Cristy.

Source: KAMI