Nag trending na naman ngayon ang pasaring ni Cristy Fermin tungkol sa isang sikat na aktres na si Nadine Lustre tungkol umano sa 'pa-show' ni Nadine.

Pinuna ni Cristy ang aktres na kung bakit ayaw umanong magdamit ng aktres sa lugar ng Siargao. 

Ayon pa dito, lumalakad daw itong walang damit kahit bibili lang naman ng sarsa ng lechon. Kitang kita umano ang buong katawan ng aktres. 

"Ikaw na hitad ka, ayaw mo magdamit, pa-show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo.

"Si Nadine pumapa-show sa Siargao...Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece...Ewan ko noh kung bakit ayaw niya magdamit," banat ni Cristy kay Nadine.

Dagdag pa nito, naging sentro na raw si Nadine ng body shaming. Minsan nga, may isang netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Nadine at sinabi nitong tumataba na ang aktres. 

"Para di ka naba-bash, magtapi ka," ani ni Cristy. 

Sa kumalat na post, maraming mga netizen ang hindi natuwa sa mga pasaring ni Cristy Fermin sa aktres lalong lalo na ang mga fans ni Nadine. 

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post:

"Ang daming pakialamira sa mundo wlang magagawa puro paninira sa kapwa tragis  naman! Tlaga!"

"Cristy fermin kulubot na kase balat mo , Hindi Mona Kaya mag two-piece Kaya mo binabash si Nadine 😅"




"Puring puri yung well raised dawter kuno? Si Nadine na naman target mo Tanda? Wala na bang mapaglagyan yang pagiging papansin mo? Siguro di ka binigyan ni Kuya Will nang Iphone 13 noh? Kung inggit pikit. Pero kung di talaga kay edi bumili ka rin n naka bikini. Tarantado.!? 😑😑"

Maalalang, naging talk of the town noon si Nadine Lustre matapos nag trending ang kanyang mga series of  fiery posts tungkol sa bullying sa Twitter.

Sa isa sa kanyang mga tweets, sinabi niya na naka experience siya ng bullying simula noong bata pa siya na umabot sa puntong nasanay na siya. 

“I’ve always been bullied since I was younger, so I’m totally used to it. I’ve become bullet proof. I’m very much concerned for people who don’t have the same mental + emotional load as me,” post ni Nadine sa kanyang twitter. 

“Even the bullies in drag race eventually come clean at the end of the show. So girl, let’s talk,” dagdag pa ni Nadine. 

Source: facebook