Trending na naman ngayon ang isang pasaring ng isa sa mga kilalang commentator na si Cristy Fermin matapos niyang tawagin si Billy Crawford na "Bully Crawford."

Ito ay matapos umanong sipain ni Billy ang isang box na siyang dahilan ng pagkahulog ni Jeffrey Tam sa stage. 

Ayon kay Nanay Cristy, nagdulot ito ng injury kay Jeffrey sa kanyang spine. 

"Sinipa niya yung karton, bumagsak si Jeffrey Tam sa entablado. Nagkaroon ng ano sa spine niya eh." 

"Yung kumbaga, yung pansalo dapat," sabi ni Mr. Fu. 

"Yung karton sinipa niya, tumama si Jeffrey sa entablado," paliwanag ni Nay Cristy.

"Ang sabi niya, kaya lang daw niya ginawa biro lang tinuro lang daw sa kanya ni Bayani. Si Bayani ba gagawin iyon?" paliwanag pa ni Nanay Cristy. 

Tsaka hinde, just in case nagbiro rin si Bayani, na gagawin iyon. Ba't mo naman susundin?" dagdag pa ni Nanay Cristy. 

Sa ngayon, ginagamot ang aktor at sabi ng ng tatlo na ang spine injury ay hindi umano madali para sa aktor.


Kamakailan lang, pinag-usapan sa social media ang nasabing friendship over nilla ni Vice Ganda at Billy Crawford.

Ito ang mga katanungan ng mga social media users matapos nilang mapansin na in-unfollow na nga nila ni Vice Ganda at Billy Crawford ang isa't isa sa Instagram. 

Maalalang, inanunsyo noon ni Billy sa YouTube channel ni Vice ang tungkol sa kanyang pag transfer sa ibang network, sa TV5.

“Maaaring lumipat siya ng bahay, pero family pa rin tayo. Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya, family kita, at mahal na mahal kita,” sabi ni Vice kay Billy.


“Kahit na magkatapat man 'yung mga bahay natin, family tayong dalawa, 'di ba? Magkakawayan tayo du'n sa magkakatapat nating bahay. At susuportahan natin ang isa’t isa,” dagdag pa niya.

Maayos naman ang relasyon nilang dalawa hanggang sa lumipat na ang "It's Showtime" director na si Direk Bobet para maging direktor sa "Lunch Out Loud ng TV5, karibal umano ng nasabing show.

Matapos ng pangyayaring iyon, nakatanggap si Direk Bobet ng  mga indirect criticisms mula kay Vice matapos niyang iniwan ang "It's Showtime."


Ayon kay Direk Bobet, hindi naman umano dahil sa pera ang kanyang pag transfer sa ibang network. Ito raw ay "for health purposes."

Nitong Miyerkules lang, sa episode ng "It's Showtime," nag react si Vice sa segment na "Madlang Pipoll" nung tinanong siya. 

"Anong ayaw mo? A. Fake news o B. Fake news?"

Ang celebrity contestant na si Jeff Canoy ay sumagot ng, “Worse, 'yung fake friends na nagbibigay pa ng fake news.”

“Ay yes! ‘Yung fake friends na nagbibigay pa ng fake news sa mga interview,” pagsang-ayon ni Vice kay Jeff.

Kamakailan lang din ay nag react ang co-host na si Jugs Jugueta sa mga komento tungkol sa topic na "fake friends."

“Wala, wala. 'Yan ‘yung mga ina-unfriend,” sabi ni Jugs.

“Tapos nagsasama-sama sila,” dagdag pa ni Vice. 

Source: KAMI