Trending na trending ngayon sa social media ang ginawang kumpirmasyon ni Edu Manzano sa publiko na magkarelasyon na sila ni Cherry Pie Picache. 

Marami ang nagsabi na malaki ang posibilidad na nagkadebelopan umano ang dalawa habang magkatrabaho sa ABS-CBN sa teleseryeng Marry Me, Marry You. 

Sa serye, gumaganap si Edu bilang si Emilio Legaspi at si Cherry Pie bilang si Elvie Manansala-Zamora. Naging bunga ng kanilang pagsisiping si Andrei Legaspi (Paulo Avelino).

Unang naiulat na noon ang tungkol umano sa rumor na nagkakamabutihan na sina Edu Manzano at Cherry Pie, nitong Miyerkules, November 18, 2021. 

Kamakailan kasi ay nag-post ng series of photos si Cherry Pie sa Instagram, kung saan makikitang lagi silang magkatabi ni Edu sa mga kuha habang nagbabakasyon sa New York.


Mayroon ding mga pasaring ang mga kasama nila sa trip noon na sina Arci Muñoz at Yam Concepcion na in love umano ngayon si Cherry Pie.

Matapos umere ng episode, nag-message si Cheryl kay Edu at tinanong kung may katotohanan ang tungkol sa kanila ni Cherry Pie.

Diretsong inamin ni Edu kay Cheryl na totoong magkarelasyon na sila ni Cherry Pie.

Matatandaang, isa sa mga hinahangaan noon ang relasyon nila ni Edu Manzano at Vilma Santos.

Ikinasal siya kay Vilma Santos noong 1980. Naging anak nila si Luis Manzano.

Pero lumipas lamang ang ilang taon, nagdesisyon sina Edu at Vilma na maghiwalay.

Kasunod noon, nagpakasal si Edu kay Maricel Soriano noong 1989. Hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Wala silang naging anak.

Maraming nakarelasyon na si Edu. Isa na rito ay ang commercial model na si Rina Samson at nagkaanak sila ng dalawa: sina Addie at Enzo.Kalaunan ay naghiwalay din sina Edu at Rina.

Naging karelasyon ni Edu ang newscaster na si Pinky Webb noong 2005. Naghiwalay sila noong 2009.

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Edu ay isang non-showbiz, si Iryne Garcia. Tumagal din ng ilang taon ang kanilang relasyon.

Samantala sa mga naging nakarelasyon naman ni Cherry Pie, nagkaroon siya ng long time boyfriend na si Garry Tria at nagkaroon din sila ng anak, si Nio.


Napaulat ang paghiwalay nina Cherry Pie at Gary noong 2006.

Ang kanilang anak naman na si Nio ay nagdesisyon ngayong 2021 na pasukin ang pag-aartista.

Marami naman ang natuwa sa panibagong relasyon ng dalawa sa mga kilalang batikang aktor sa industriya. 

Source: PEP