Pinag-uusapan na ngayon sa social media ang pagsisimula ng taping sa seryeng "Hello Heart" na pinagbibidahan nila ni Gerald Anderson at Gigi De Lana. 

Ito umano ang kauna-unahang acting stint ni Gigi na kung saan isa siya sa mga napiling maging lead actors sa nasabing teleserye. 

Aminado si Gigi na na star-struck pa umano siya sa aktor dahil baguhan lamang umano siya sa mundo ng pag-arte. 

"Kinabahan ako. Pa'no kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na," pahayag ni Gigi. 

Ngunit ayon naman kay Gerald, todo ang pag-alalay niya sa co-star at siya raw ang magiging coach nito lalo na at baguhan ang aktres sa puspusang pagti-taping.

At dahil umano inilabas na ni Gigi ang totong siya kay Gerald, na-eenjoy umano ng kanyang leading man ang kanyang pagiging makwento.

Payo naman ni Gerald kay Gigi, importante umano ang stamina sa kanilang taping. Tatlong araw pa raw silang magti-taping at pagkatapos ng pahinga, mayroon pa muling apat na araw na shoot ulit. 

"So, stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,"ani Gerald. 

"Naiintindihan ko naman siya. Kasi 'yong momentum talagang 'pag relax ka na. Sa iba 'yung workout parang trabaho rin 'yon e. 

Pero sa awa ng Diyos, para sakin lifestyle. But it's hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout," dagdag pa ng aktor. 


Samantala, inaasahan ni Gigi na marami siyang matutunan sa mga ibinahagi ni Gerald at sa kanyang bagong career ngayon. 

Kaugnay nito, usap-usapan din noon sa social media ang pagte-test ng response ni Yam Concepcion sa mga netizen  tungkol sa co-star na si Gerald Anderson sa kanilang upcoming series  na “Init sa Magdamag.”

Si Yam Concepcion, 32, ay nagsalita tungkol sa kanyang experience kay Anderson bilang leading actor sa upcoming series ng ABS-CBN sa virtual launch noong Monday.

Tinanong ang kanyang reaksyon tungkol sa mga nagsisilabasang mga komento tungkol sa viral scenes at preview ng “Init sa Magdamag.”

“Nababasa ko ‘yung mga comments. Nakakatawa at nakakatuwa na makita yung reaction nila. Nakakatawa kasi sabi ng mga netizens, “O Yam, magi-ingat ka kay Gerald, ah!” Iyon yung mga nabasa ko”, patawang sinabi ni Yam.


“Honestly, hindi ko naman kailangan mag-ingat.” Siyempre nakikita nila sa TV, sinasabi nila, “Naku, matinik sa babae si ‘yan! Hindi loyal. Hindi, e. ‘Pag trabaho mo si Gerald, he’s very professional at saka very gentleman. Hindi niya pinaramdam sa akin na may mali siya.”

“It’s just purely work.” Despite being purely work, naparamdam niya sa akin ‘yung emosyon na totoo. I still felt his honesty bilang si Tupe, ‘yung character niys, “dagdag ni Yam.

Source: KAMI