Matapos ang kumalat na isyu tungkol sa mga PBB Housemates sa pagitan nila ni TJ Valderrama at Shanaia Gomez, hindi napigilan ng girlfriend ni TJ na magreat sa isang episode na inere ng Pinoy Big Brother show.

Kamakailan lang, naging topic ng mga housemates sa loob ng bahay ang umanong ‘alleged harassment’ na kung saan involve umano sina TJ at Shanaia.

Dahil matapos ang isyung ito, maraming mga housemates at maging ang mga fans na rin na ipapa-force evict si TJ Valderrama matapos ma-ere ang isang scene na nag viral.

Hindi naging masaya ang mga fans sa ginawa umano ni TJ sa short video na mabilis na nag viral. Ang video umano ay tungkol sa pag ta-take advantage ni TJ sa isang 19-year old na housemate na si Shanaia Gomez.

Sa nasabing video na nag viral, makikita na si Valderrama ay nasa gilid ni Gomez at hinahawakan umano ang ‘left leg’ ni Shanaia na siyang nag trigger sa mga netizen na magbigay ng mga negatibong komento.

Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon tungkol sa nakitang video na kalat na kalat na sa social media.

Isang netizen ang naglagay ng caption sa video: MYGASH SHE KNOWS! IT SHOWS HOW MUCH UNCOMFY SHE IS ABOUT TJ! SHE MAYBE TOO AFRAID TO TELL ANYONE ABOUT THIS!!!

Hanggang sa sinundan pa ito ng marami pag mga komento mula sa mga netizen:

“Words like that will only encourage the offender to continue whatever they are doing kasi instead of doing something, mas nag-focus kayo kung bakit walang reklamo ang biktima. You are unknowingly silencing the victim.”

“I hope Shanaia opens up to Anji about this. If she keeps this to herself because of fear, the trauma will never go away. But @PBBabscbn should force evict TJ ASAP!”


Ang tweet na ito na mula sa netizen ay humakot ng mga suport mula sa mga fans na naglalayong protektahan si Gomez. Ginamit rin ang hashtag na #ProtectShanaiaGomez. 

Kaya nang nakita ito ng girlfriend ni TJ na si Cherry Malaya, agad siyang naglabas ng kanyang rant sa kanyang Twitter account at ibinuhos ang kanyang reaksyon tungkol sa isyung kinasasangkutan umano ng kanyang nobyo. 

Sa Twitter account ni Cherry, nagparating siya ng kanyang hinaing sa PBB team kung sa tingin nila okay na yun matapos maglabas naman ng another episode ang PBB na kung saan ipinapakita na ang closeness nila ni TJ at Shanaia.

"So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung "closeness" ni Shania at TJ, magiging ok na lang ang lahat? Mga sir*ulo. The damage has already been done! There's no way you can fix this! At di ako makikipag-meet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT." 

Nagulat din ang mga netizen nang bigla na lang din ibinahagi ni Cherry ang tungkol sa sitwasyon ng parents ni TJ at sa tatlo pa niyang kapatid na babae.

Di na kayo naawa sa pamilya ni TJ! Sa mom niya na may sakit. Sa tatay niya na pinalaki siyang matino at may takot sa Diyos. Sa tatlong kapatid niyang babae! Punong puno na ako sa kakulangan niyo!!! Palabasin niyo na yan! Money making bullsh*t show,” aniya.

Si TJ Valderrama ay isang Filipino actor at comedian na bumida na rin sa mga pelikulang Jhon en Martian, The Janitor and Hoy Love You. 

Source: KAMI