Mabilis na nag viral ang newly wed couple na ito matapos ibinahagi ng isang Facebook page ang photo ng cape ng nasabing bride na may naka-pin umano na envelope na may nakalagay na “deed of sale.”

Napa-sana all na lang talaga ang mga netizen nang makita ang isang photo ng isang  na may nakasulat na malaking “deed of sale” sa envelope na naka-pin sa cape ng bride sabay namangha sa laman ng envelope sa likod ng bride.

Maliban sa “deed of sale” ng isang house and lot, may naka pin din itong Official Registration (OR) o Certificate of Registration (CR) ng isang sasakyan. 

Maraming mga netizen ang labis na namangha sa nakitang post na agad naman nakahakot ng samu’t saring mga komento. May ilan ding mga netizen ang nagbigay ng kanilang mga pabirong komento.

Heto ang ilan sa ga naging komento ng mga netizen sa naturang nag trending na post:

“Hi. Congrats to u both .bilis talaga panahon. Inaalagaan lng namin kau dati. Ngaun family man kana...No or cr and dead of sale. Meaning car house and lot.. sana all..”

“natatakot tuloy ako magpakasal.. baka mahubaran ako ng wala sa oras pag sinabit ni mama yung tag pa five pesos niya na nakaplastic sa plastic ng ice.... sungka sungka baga🤣🤣🤣”

“Dapat advance, form ng annulment paper, signature nlng nilang 2 ang need for the future purposes ✌🏻 jowk lng anyways sana all, congratulations.”

[Deed of sale is an authentic deed drafted and signed by a public officer, generally a notary, which makes mention of the legal situation of the building and its nature.]

Kaugnay ng kwentong ito, may isang post din noon na nag viral matapos ibinahagi ng isang make-up artist sa kanyang official Facebook page, magarbo niyang ibinida ang dalawang newly wed couple na kung saan nagmistulang nakasuot ng kapa dahil sa perang nakuha sa kanilang “money dance.”


Sa Facebook ng isa na rin sa mga kilalang make-up artist na si Edward Pascual, ibinahagi niya ang photo ng couple na tila nagmumukhang “superhero” dahil sa kanilang mga perang kapa na suot. 

Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang galante daw sa “Money Dance” ang couple na ito dahil hindi lang naman makapaniwala ang make-up artist dahil ang lahat ng kanilang nakuha sa “Money Dance” ay tumataginting lang naman na Php 1.6 milyon.


Ayon sa post ng make-up artist, ang nasabing newly wed couple ay taga Quezon Province. Ika ng marami, basta taga Quezon Province daw ay mga mayayaman at galante.

Maraming mga netizen ang napasabing “sana all” sa nakitang post na kumakalat na ngayon sa social media. Hindi na rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang mga komento sa nasabing post.

Heto ang ilan sa mga nakaka-good vibes na komento ng mga netizen na ipinapakita na rin ang kanilang suporta sa newly wed couple:

“pagpalain nawa ng panginoon ang inyong marriage life. .ganyan din sana ka dami ang respito,pag unawa,sakripisyo,at pagmamahal ninyo hanggang sa huli. .congratulations ❤”

“Congrats to the newly wed! May pangbusiness at pang invest na agad ang newly wed. Baka gusto nio invest sa PruMil 😅 stay safe!”

“Sana all muna ko sa ngayon haahahah LF TAGA QC . Hahahhaa pero nasa ilocos norte yung future husband ko busy pa sya walang time sakin lagi hahahahah. #sandromarcos labas babe hahahahhaa.”

Source: facebook