Bagong pinagkakaguluhan na naman ngayon sa social media ang pamangkin ng isa sa mga namayapang batikang aktor na si Rico Yan. 

Viral na ngayon online ang mga litrato ni Alfonso Yan Tueres. Kapansin pansin kasi na kahawig nito ang kanyang tito Rico.

Noong sa panahong buhay pa ang aktor, isa siya sa mga tinitiliang matinee idol noon. Marami sa mga manonood noon ang pinakilig na ng nasabing aktor.

Ang tambalan nila ni Claudine Barretto ang talagang nagpakilig sa maraming mga Pilipino. Hanggang sa ngayon ay marami pa rin silang mga tagahanga at taga suporta.

Maaga mang namaalam ang aktor, nakatatak pa rin siya sa puso at isipan ng mga taong minsan na niyang pinakilig at pinatawa lalong lalo na sa mga taong nagmamahal sa kanya.




Kaya naman nang kumalat online ang mga larawan ni Alfy, pamangkin ni Rico Yan, maraming fans ni Rico ang kinilig at natuwa. 

Mayroong ilang mga netizens din ang nag komento na sana ay magustuhan din ng binatilyo ang pumasok sa showbiz upang kahit papaano ay muli nilang masilayan ang aktor sa kanyang pamangkin.

Grade 8 pa lamang si Alfy, at isang star player ng baseball team niya sa kanilang school.

Bukod sa baseball, mahilig din siya sa basketball at sa video games. May angking galing din si Alfy sa kusina, at hilig niyang magluto ng meals.

Sa ngayon, wala munang balak na papasok si Alfy sa mundo ng showbiz. Una muna niyang pasukin ang pagiging commercial model. 

Matatandaang, 19 taon matapos pumanaw ang matinee idol na si Rico Yan, may inamin ang kanyang dating kasintahan na si Claudine Barretto.


Sa isang panayam kasama si Janelle Jamer ay inamin nito na hanggang ngayon ay “mahal” niya parin ang aktor na halos dalawang dekada ng wala sa kanyang buhay.

Ayon sa kanya ay nagsisisi siya na hindi niya kasama si Rico noong ito’y biglaang pumanaw noong 2002.

“Mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala ‘yon. I think hindi nawawala ‘yung (love) kapag namatay na ‘yung tao. Kahit hindi na kami, nandoon pa rin. Lalo pa yatang lumalabas kung ano ang nararamdaman mo towards the person kapag nawala na ‘yung tao,” ani Barreto.

“Yes, mayroon akong pagsisisi na sana mas matagal ko siyang nakasama, sana nandoon ako nung nangyari ‘yung dapat sana ay hindi nangyari,” dagdag niya pa.