Matapos ang pananahimik ni Ruby Rodriguez kaugnay sa biglaang pag-alis niya sa “Eat Bulaga,” naglabas na ng kanyang hinaing ang TV host comedian ukol sa isyung ito. 

Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Ruby at nagtatrabaho bilang normal na manggagawa sa  Philippine Consulate General sa Los Angeles, California. 

Tatlumpu’t isang taon din naging vo-host ng Eat Bulaga si Ruby kaya maraming mga tagasubaybay ang ang nagtaka nang hindi na siya makita sa longest-running noontime show ng T.A.P.E Inc. na mapapanood sa GMA-7. 

Sa tuwing may nagtatanong kay Ruby tungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga, ang madalas na sagot ni Ruby ay “ask them.” Ayon sa kanya, hindi rin niya alam kung ano nga ba talaga ang dahilan.

Nang minsang nakapanayam siya ng entertainment writers sa virtual media conference ng Viva Artists Agency, bahagyang nag-isip umano si Ruby nang tanungin kung may sakit na idinulot ang nangyari.

“Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit.

“Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I’ve been with you for 31 years and just like that.

“I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang,” sagot ni Ruby.

Sa mga naging sagot ni Ruby, masasabi na mayroon talagang kalungkutan at sama ng loob sa pamahalaan ng longest-running noontime show sa bansa.

Ayon din sa kanya, sina Vic Sotto at Pauleen Luna lang ang unang nakakaalam sa kanyang plano na magtrabaho sa Amerika at hindi rin daw siya nagpaalam sa iba pa niyang mga kasama. 

Dahil bigla din lang daw nun nagdeklara ng enforced quarantine noong March 15, 2020.

Hindi naman daw niya biglang iniwan ang show kundi nag-file lang siya ng leave of absence.


Maalalang, minsang ibinahagi ni Ruby Rodriguez ang isang post tungkol umnao sa kanyang bagong trabaho habang nakabase sa Los Angeles, California.

Ayon kay Ruby, nagtatrabaho siya ngayon upang may maitustos sa mga anak niya. Hindi man nagbahagi ng iba pang detalye ngunit naka pin ang kanyang location ng Philippine Consulate General.

Kilala at alam ng marami ang aktres na ito na matagal na naging co-host sa noontime show na Eat Bulaga. Lumabas na rin si Ruby sa ilang mga pelikula at teleserye na tinangkilik din ng karamihan.

Matapos nito ay lumipad si Ruby noong nakaraang taon kasama ang asawang si Mark Aquino at kanilang anak na si AJ papuntang United States upang muling makasama ang panganay na anak na si Antoinette Nicole. 

Ang programang “Owe My Love,” isang proyekto ni Ruby sa GMA at nakatakda sana siyang lumipad pabalik sa Pilipinas para sa lock-in taping subalit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makabalik. 

Hanggang kamakailan lang ay naging mainit na lang ang usapan sa social media nang ang aktres ay nagbigay ng update tungkol sa bago niyang trabaho na nagpahanga sa ilang mga netizen.

Sa kasalukuyan ay deleted na ang Instagram post ni Ruby, ibinahagi niya ang selfie habang nakasuot ng face mask at makikita ang office background ng umano’y pinagtatrabahuhan ni Ruby.

Nakalagay sa caption ng aktres ay “First day of new normal for moi #workinggirl #subwayislife.

Sa kanyang naging panayam sa GMA News, sinabi ni Ruby na nagtatrabaho siya upang may pangtustos sa kanyang anak na si AJ na mayroong dyslexia.

Sa comment section naman naman ng kanyang post ay bumuhos naman ang pagbati ng mga dating nakatrabaho ng aktres tulad nina Pauleen Luna at Rhea Santos. Ayon naman sa naiulat ng PEP, marami sa mga naging followers ni Ruby ang nagtataka sa kanyang pagkawala sa Eat Bulaga.

“Kaya pala hindi na siya nag Eat Bulaga. Titira na siya sa US,” ani ng isang netizen. “What I know is hindi siya umalis, inalis siya. I felt really bad nung nalaman ko. But I’m happy for her, “ komento naman ng isa.


Matatandaan na gumawa rin ng ingay ang aktres matapos ang kanyang naging intriga na sagot sa isang komento ng netizen noong September 2020 nang tanungin siya nito kung babalik pa ang aktres sa Eat Bulaga. 

“I miss you in Eat Bulaga, Ms. Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, Ryzza Mae nakakapitch in pero ikaw wala! Bat Ganon?

Sinagot naman ni Ruby ng, “sila tanungin mo.”

Maraming natanggap ang aktres na kung may chance pa ba na babalik ang aktres sa Eat Bulaga. Sinabi naman ng aktres na nasa Eat Bulaga lang talaga dahil hindi naman niya tuluyang sinarado ang pintuan sa programang ito.

Source: hottesttrendzonline