Naiyak na lang ang aktres na si Sachzna Laparan matapos ang isang pang prank kung saan kasabwat ang kanyang ina at si Raffy Tulfo. 

Nagpanggap na nagrereklamong fan ng vlogger ang staff ni Tulfo at sinabing hindi umano tinupad ni Sachzna ang pangako nitong Php35,000 at iPad para sa kanya. 

Ayo pa dito, dalawang buwan na raw umano ang nakalipas nang pumayag si Sachzna sa hiling ng kanyang fan na pera at iPad. 

Nangutang na lang umano ang nasabing fan dahil sa tagal nitong ibigay ni Sachzna, kaya pati interes nito ay pinoproblema na rin niya.

Nang makausap pa ni Sachzna ang nagpanggap na fan, tila sinisisi pa nito ang vlogger dahil sa hindi pagpapadala nito ng pinangakong pera at iPad.

Naluha talaga si Sachzna dala ng halo-halong emosyon at sinabi naman sa "fan" na handa silang padalhan ito ng pera sa lalong madaling panahon. 

Nang tinawagan umano ni Sachzna ang kanyang ina, kinimpirma pa ng kanyang ina na nakalimutan talaga nilang padalhan ng pera ang nasabing fan.

Subalit sa video na ipinakita sa programang Raffy Tulfo in Action, labis na naging emosyonal ang vlogger. Kaya sinabi na lang ng kanyang ina at ng programa na prank lang ang lahat.

Gayunpaman, humanga naman si Tulfo sa kabutihan ni Sachzna na kahit na nasisi ng nagpanggap ng fan sa prank ay handa pa rin magpadala agad ng tulong. 

Maalalang, marami din ang nagambala at nagtaka sa pinost ng isang singer-aktres dahil sa kanyang naging post sa kanyang Instagram account na nasa programang Tulfo kasama ang kanyang dating kasintahan na si Erik Santos.



Trending lagi at lumalagablab na isyu ang pinag-uusapan kapag nasa programang Tulfo kasama ang batikang brodkaster na si Raffy Tulfo sa kanyang programang RTIA.

Tinagurian itong “pambansang sumbungan at sandigan” sa mga taong nais makamit ang hustisya at gustong mabigyan ng kalinawan ang lahat ng mga kaguluhan o mga pangyayari na nais bigyan ng solusyon. 

Kaya naman hindi maipagkakaila na kapag ang isang tao, dalawa o mahigit pa ay makikita sa programang Tulfo, iisipin ng karamihan na may mabigat na problema ang mga ito at hangad na matulungan ng pambansang sumbungan. 

Matatandaan, nag viral noon ang ng singer-aktres sa kanyang Instagram account, marami ang nagulat at labis na nangamba para sa relasyon ng dalawa.

“Maayos tayong nag-umpisa. Bakit naman umabot sa ganito Pogs@eriksantos? Pasensya na ho Sir Raffy,” ani pa ni Angeline Quinto sa kanyang post.

Marami ang nagulat sa post ng isang aktres. Buong akala ng iba na maayos at payapa ang relasyon ng dalawa. Isa sa mga hinahangaang celebrity couple noon.

Ngunit, nabulabog ang lahat nang nalamang ‘biro lang pala ang lahat. Marmi ang natawa sa post ng aktres sa kanyang Instagram account sa ginawang pagrereklamo niya kay Erik Santos.

“HAHAHAHA, sobrang natawa ako, yung tipong nag check ako ng YouTube channel ni Tulfo,” sabi ng isang comment.

Ang kaibigan niyang singer-aktres na si Klarisse De Guzman, nagbigay ng komento at sabay sabi ng “Tuloy ang kaso!, kasunod ang mga laughing emojis. 

Sa kasalukuyan, magkasama sina Angeline Quinto at Erik santos sa programang It’s Showtime kung saan sila ay ay hurado ng Tawag ng Tanghalan. 


Dito madalas na nagkaka-asaran ang dalawa kasama ang mga hosts, Vice Ganda, na minsa’y tinutukso pa ang dalawa. 

Matatandang dating magkarelasyon ang dalawa at isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz dahil sa parehong magka-vibes ang dalawa pagdating sa pagkanta. 

Marami din ang nakapansin at isa na dito ang kanyang dating boyfriend na si Erik Santos na naging blooming lately si Angeline at nabanggit niya may bago na siyang boyfriend nang nagkaroon sila ng serious conversation ni Vice Ganda sa programang It’s Showtime.

Sinabi ni Vice Ganda na may boyfriend na si Angeline at gusto niyang respetuhin si Erik sa Tawag ng Tanghalan bilang mga hurado sa nasabing segment. 

Nang tinanong naman siya ng mga hosts ng It’s Showtime, sinabi niya wala siyang microphone na hawak noon kaya hindi niya nasabi ang tungkol sa kanyang bagong boyfriend. 

Panoorin ang buong video dito!