Mapapa "sana all" ka na lang talaga sa mag couple na nag viral sa Facebook matapos ibinahagi ang isang photo ng isang money bouquet. 

Ito ay matapos proud na proud na ipinakita sa social media ng isang vlogger na si Von Ordona ang kanyang girlfriend. 

Bukod sa pinost niya ang larawan nila ng kanyang girlfriend, marami ang napa "sana all" sa money bouquet na halagang 1 milyong piso. 

Ito ay regalo ni Von sa kanyang girlfriend para sa kaarawan nito. Makikita rin sa post ang napakalaking money bouquet at ang photo ng couple. 

Ayon pa kay Von, walang bagay umano ang makakatumbas sa pagmamahal ni Von sa kanyang girlfriend. 

"Kahit ang isang milyong bulaklak, hindi kayang tumbasan ang pagmamahal ko sayo. 

Happiest Birthday my love! Ayan na oh pang shopping mo tyaka ni baby. I love you," caption ni Von sa kanyang post. 

Maraming mga netizen ang namangha sa nasabing post at may iba rin na nakakatawa ang mga komento. 

Heto ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng mga netizen:

"Goods yan. Wag lang sana magpapa tulfo pag nagka hiwalayan 😁"

"pag na spoiled yan breakup ending nyo😁😝"


"BIR reacted to your post" 🤣🤣

Matatandaang, nag viral din noon ang post na ibinahagi ng ng isang make-up artist sa kanyang official Facebook page, magarbo niyang ibinida ang dalawang newly wed couple na kung saan nagmistulang nakasuot ng kapa dahil sa perang nakuha sa kanilang “money dance.”


Sa Facebook ng isa na rin sa mga kilalang make-up artist na si Edward Pascual, ibinahagi niya ang photo ng couple na tila nagmumukhang “superhero” dahil sa kanilang mga perang kapa na suot. 

Sa kanyang Facebook post, sinabi niyang galante daw sa “Money Dance” ang couple na ito dahil hindi lang naman makapaniwala ang make-up artist dahil ang lahat ng kanilang nakuha sa “Money Dance” ay tumataginting lang naman na Php 1.6 milyon.

Ayon sa post ng make-up artist, ang nasabing newly wed couple ay taga Quezon Province. Ika ng marami, basta taga Quezon Province daw ay mga mayayaman at galante.

Maraming mga netizen ang napasabing “sana all” sa nakitang post na kumakalat na ngayon sa social media. Hindi na rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng kani-kanilang mga komento sa nasabing post.


“Congrats to the newly wed! May pangbusiness at pang invest na agad ang newly wed. Baka gusto nio invest sa PruMil 😅 stay safe!”

“Sana all muna ko sa ngayon haahahah LF TAGA QC . Hahahhaa pero nasa ilocos norte yung future husband ko busy pa sya walang time sakin lagi hahahahah. #sandromarcos labas babe hahahahhaa.”

Panoorin ang buong video dito!