Viral ngayon sa social media matapos  ang exclusive interview ni Ana Pingol PikaPika kay AJ Raval tungkol sa pagkakadawit ng aktres sa aktor na si Aljur Abrenica. 

Sabi ng aktres sa kanyang interview, wala umano silang relasyon ng aktor na si Aljur Abrenica. 

Iginiit din niya na mismo silang dalawa na ni Aljur ang nagsabi na walang namamagitan sa kanilang dalawa. 

"Si Aljur po, wala naman po kaming relasyon ni Aljur. Never naman po naming sinabi na may relasyon kami ni AJ at nag-uusap lang naman po kami. 

Nilinaw ng aktres na siya at si Aljur ay simpleng nag-uusap lang at wala ng higit pa doon. 

Wala po kaming relasyon. Sarado na rin naman po ’yon. Nasabi na rin po nilang dalawa ’yong mga gusto nilang sabihin," sabi ni Barbie. 

Samantala, sa parehong interview din, napag-usapan din nila ang umuugong ngayon na isyu tungkol umano sa pagkakadawit  niya sa boyfriend ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga.

Ayon sa aktres, na hindi totoo na nanliligaw sa kanya ang boyfriend ni Barbie Imperial. 

Inamin naman ng aktres na sa mga isyu na ibinato sa kanya, marami naman siyang natutunan mula dito at sinabi niya na parte daw umano ito ng kanyang pag-grow sa mundo ng showbiz. 


"Sa akin naman po, parang lesson na lang po ’yong nangyari. Marami po akong realization. 

Also, I think it’s part of the process of growing in showbiz. Sa nangyari po na ’yon mas naging responsible po ako sa mga sini-share at pino-post ko dahil hindi po lahat maiintindihan or pipiliin unawain ’yong sitwasyon ng iba," aniya.



Matatandaan, naging usap-usapan noon sa social media ang isa sa mga hinahangaang aktres na si AJ Raval dahil sa kanyang pagkakaugnay umano sa isang aktor na si Aljur Abrenica tungkol sa isang picture na pinost ng netizen na kuha umano sa mismong labas ng kanyang kwarto.

Sa video na ibinahagi ng netizen, ipinakita niya ang view sa mismong labas ng silid ng aktres. Karugtong ng maiksing video ay nilagay ang picture na ibinahagi naman ni Aljur kamakailan lang din. 

Inalmahan naman ni AJ ang pag-uugnay sa kanya sa nasabing aktor matapos mag post din si Aljur Abrenica ng isang picture na kung saan inihambing ng mga netizens ang background nito na pareho umano sa background din ng kwarto ni AJ Raval. 

Ang background ng picture na pinost ni Aljur Abrenica at ang background ng view sa labas ni AJ Raval ay parehong-pareho nang inihambing ang dalawa ng mga netizens. 

Depensa naman ng aktres na “edited” umano ang mga nakikita ng mga netizen sa social media tungkol sa videos at picture. Ito ang sabi ni AJ sa comment section.

Source: KAMI