Trending ngayon ang aktres na si Alexa Ilacad na kamakailan lang ay lumikha ng ingay tungkol sa kanyang pagiging "bossy" niya sa loob ng PBB house.

Nagkaroon din sila ng samaan ng loob ng isa pang celebrity housemate na si Albie Casiño. 

Ngayon, muling kumukuha ng atensyon ang former Goin’ Bulilit Star dahil sa isang video na kuha mismo sa loob ng bahay ni Kuya.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang magkasama sa living room ang mga housemates at nagkukwentuhan. 

Dito, nakaupo si Alexa sa sofa na napagitnaan nila ni Eian Rances at Albie Casiño. 

Habang masayang nadagdaldalan umano ang mga housemates, napansin ng mga netizens ang pwesto ng kamay ng dalagang aktres. 

Kung susuriin umano nang maigi, nasa ilalim ng unan ang isang kamay ni Alexa at mapapansin na gumagalaw ang kanyang braso. 

Sa komento ng mga netizens, para daw bang may inaabot o may “kinakamot” ang female housemate. 

Sa isang punto, bahagyang itinaas ni Eian ang unan at makikita ang kamay ni Alexa na nakalapag sa sofa. Komento naman ng netizens, sobrang lapit daw ng kamay niya sa binti ng Eian.

Kaugnay ng isyung ito, mainit init rin kamakailan lang ang isyu tungkol sa isa pang housemate na si TJ Valderrama kaugnay umano sa 'alleged harassment' nito sa isa pang housemate na si Shanaia Gomez. 

Naging hot topic kamakailan lang ng mga housemates sa loob ng bahay ang umanong ‘alleged harassment’ na kung saan involve umano sina TJ at Shanaia.



Dahil matapos ang isyung ito, maraming mga housemates at maging ang mga fans na rin na ipapa-force evict si TJ Valderrama matapos ma-ere ang isang scene na nag viral.

Hindi naging masaya ang mga fans sa ginawa umano ni TJ sa short video na mabilis na nag viral. Ang video umano ay tungkol sa pag ta-take advantage ni TJ sa isang 19-year old na housemate na si Shanaia Gomez.

Sa nasabing video na nag viral, makikita na si Valderrama ay nasa gilid ni Gomez at hinahawakan umano ang ‘left leg’ ni Shanaia na siyang nag trigger sa mga netizen na magbigay ng mga negatibong komento.

Maraming mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga reaksyon tungkol sa nakitang video na kalat na kalat na sa social media.

Isang netizen ang naglagay ng caption sa video: MYGASH SHE KNOWS! IT SHOWS HOW MUCH UNCOMFY SHE IS ABOUT TJ! SHE MAYBE TOO AFRAID TO TELL ANYONE ABOUT THIS!!!


Hanggang sa sinundan pa ito ng marami pag mga komento mula sa mga netizen:

“Words like that will only encourage the offender to continue whatever they are doing kasi instead of doing something, mas nag-focus kayo kung bakit walang reklamo ang biktima. You are unknowingly silencing the victim.”

“I hope Shanaia opens up to Anji about this. If she keeps this to herself because of fear, the trauma will never go away. But @PBBabscbn should force evict TJ ASAP!”

Ang tweet na ito na mula sa netizen ay humakot ng mga suport mula sa mga fans na naglalayong protektahan si Gomez. Ginamit rin ang hashtag na #ProtectShanaiaGomez. 

Source: etechking