Naging hot topic nila ni Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ang panayam ni Kylie Padilla sa kanyang ama na si Robin Padilla, at isa sa mga napag-usapan ng tatlo ay kung kumusta na nga ba ang relasyon ni Kylie Padilla sa kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica. 

Naungkat din ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni AJ Raval na ilang buwang ding naging trending ng mga showbiz chika matapos nabalitaan din ang panliligaw ni Aljur sa aktres. 

Naispatan pa silang namimili ng mga laruan sa isang mall at ‘HHWW’ o holding hands while walking pa. Marami din sa mga netizen ang nakakita noon sa dalawa. 

Natanong ni Mama Loi kung bakit hindi nagsasalita si Aljur hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ni AJ sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

“Baka wala na rin sila,” tugon naman ni Ogie.

“Nakakaloka ‘no kasi nagkakaroon ng playgirl image itong si AJ Raval so dapat malinis niya ito unless iyon talaga ang gusto niya magpa-sexy, eh, ‘di bagay sa playgirl image pero siyempre bilang Filipina ay mas gusto nila (ng mga tao) na kahit nagpapa-sexy ka ay pinatutunayan mo pa rin na isa kang matinong babae,” pahayag pa ni Ogie.

“Hindi ko sinasabing hindi matino si AJ ah, kung baga ‘yun lang ang barometro o gauge ng mga tao na kapag nagpapa-sexy ‘yung isang babae pero sa kabila pala ng pagpapa-sexy niya ay conservative pala siya inside o off-cam.”

Hiling din ni Ogie Diaz na sana ay magsalita na rin si Diego Loyzaga tungkol umano sa ‘alleged affair’ nila ng aktres na si AJ Raval.

“Anyway, sana magsalita rin si Diego para malinawan din ‘yang issue na ‘yan. And ending nito nakakaloka, sa inyo nag-end gayung ang pinag-uusapan dito ay sina Kylie at Robin.”

Kamakailan lang din ay nagsalita na ang girlfriend ni Diego Loyzaga na si Barbie Imperial laban sa bali-balitang kabit ng kanyang boyfriend na si AJ Raval. 

Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Barbie kay AJ dahil sa patuloy na iginigiit ni AJ na may namagitan sa kanila ni Diego Loyzaga. 

Sa kanyang interview kay Abunda, nagsalita si Barbie tungkol sa mga "recent accusations" ng social media personality na si Xian Gaza. 

Sa kanyang interview with Boy Abunda sa Kumu program nito na "The Best Talk," dito na inilabas ni Barbie ang kanyang mga salita laban kay AJ Raval. 

Si Gaza umano ang nag publish ng isang "blind item" tungkol sa isang couple fight na inakausahang naka- damage ng isang hotel room. 

Binanggit naman ng social media personality ang pangalang Imperial at Loyzaga. At sinabi pa rito na ang dahilan umano ng kanilang away ay ang 'alleged affair' ni Loyzaga kay Raval. 

“Noong una, gigil na gigil ako, gusto ko hanapin ‘yung number niya,” Imperial said, referring to Gaza. “Pero, pinag-pray ko lang ‘yung tao na ‘yun. Alam ko kasi na iyon ang gusto niyang mangyari, so hindi ko iyon ibibigay sa kanya. 


“‘Yung akin, alam namin ni Diego na wala kaming ginagawang masama. Masaya kami, happy kami na magkasama. Bakit pa namin pagtutuunan ng pansin ‘yung tao na naninira sa amin?

“Noong una, nakaka-stress siya, pero noong nag-usap kami ni Diego, sabi namin, hindi namin hahayaan na ‘yung isang tao na ‘yung ang sisira,” pahayag ni Barbie.

Dinepensahan naman ni Imperial ang kanyang boyfriend tungkol umano sa kumakalat na akusasyon na may namamagitan sa kanila ng kanyang boyfriend at AJ. 

“Kilala ko si Diego. Kilala ko siya. Lahat ng binibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun. Hindi totoo,” paliwanag ni Barbie.

“Kung kaya ko lang sabihin live kung bakit alam ko na hindi totoo, sasabihin ko, pero ayoko naman na kasi na mangsira ng ibang babae. Pero alam ko na hindi totoo.

“Mararamdaman mo ‘yun, e, kapag nagloloko sa ‘yo ang tao,” aniya. 

Ayon pa kay Barbie, noong isinasagawa pa lang ang film na "Death of a Girlfriend," in a relationship pa sa AJ Raval noon kay Axel Torres. 

Ngunit nagkahiwalay din ang dalawa, at nitong October lang, nalaman na lang ng mga netizen na may kinikita na ang aktres na isang ring aktor na si Aljur Abrenica. 

“Kung wala kang kinalaman, o alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka,” she said. “For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat — na nagka-thing kayo ni Diego?”

Inakusahan din ni Barbie si AJ na siya mismo ang nagbibigay ng impormasyon sa social media personality. 

“Parang, ako, ‘Oh, gusto mo pala ‘to,’” sabi niya.

Itinanggi naman ni Gaza ang mga akusasyon ni Barbie laban sa kanya at tinawag pa nga itong "fake news."


Samantala, si AJ Raval ay inactive ngayon sa social media matapos ang separate controversy nila ni Aljur Abrenica at latter estranged wife na si Kylie Padilla. 

Imperial to Raval: “Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

“Sobrang tahimik ako about the issue. Ang dami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya. Alam mo na ganoon ‘yung lumalabas na isyu, bakit hindi na mismo ikaw ang magpatahimik at alam mo naman na hindi ka naman gusto ng boyfriend ko.

“Ang tagal ko nang nananahimik. ‘Yung boyfriend ko na ‘yung kawawa na pinagbibintangan na nag-chi-cheat sa akin. Hindi naman nag-chi-cheat si Diego sa akin,” aniya.

Source: balita