Trending na trending ngayon sa social media matapos ang pasabog na rebelasyon ni Angeline Quinto tungkol sa ama ng kanyang dinadala.

Sa isang exclusive interview ni Boy Abunda kay Angeline, sinabi niya na limang buwan na umano niyang dinadala ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

September 2021 nang malaman ni Angeline na buntis siya sa magiging panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon pa kay Angeline, takot umano ang una niyang naramdaman, ngunit napalitan din ito ng galak a excitement.  

Lahad ni Angeline, “Tito Boy, natakot ako noong una kasi, sa totoo lang, hindi ko pa nga alam tingnan yung positive at negative sa pregnancy test, kasi nasanay ako sa swab.

“Ang tagal ko sa CR noon, hindi ako makalabas ng CR. Iniisip ko lang, sinong unang sasabihan ko.

"Sa bahay, wala naman akong sinabihan agad kasi natatakot nga po ako.

“Una, sa trabaho ko. Paano ko masasabi sa mga katrabaho ko.

"Pero bukod naman doon, yung takot na pagiging nanay o sa bata, wala naman," pahayag ni Angeline.

Samantala, matapat na inamin ni Angeline na may dalawang anak na pala sa ibang babae ang kanyang boyfriend pero hindi kasal sa babae ang ama ng bata na kanyang dinadala.

“Nakilala ko po siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila.

“Nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon na kami ng communication, nag tuloy-tuloy.



“So ngayon, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami."

Patuloy ni Angeline, “Ganoon pala yun, parang alam mo agad.

"Matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relationship. Nagkakilala kami parang bago pa ang pandemic.

“Siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikikitang mga bagay na kumplikado, so tinanggap ko kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya.

“Sinabi din naman niya sa akin, Tito Boy, yung tungkol sa mga past niya, kasi po meron din siyang anak sa ibang babae.

“Hindi naman ako nagtanong kahit alam ko na. Hindi ako nagtanong, siya mismo [ang nagsabi].”

Hindi naman binanggit ng singer-actress ang pangalan ng lalaki bilang respeto sa privacy ng kanyang non-showbiz boyfriend at para sa katahimikan na rin ng kanilang personal na buhay. 


Inamin ni Angeline na matanda siya ng tatlong taon sa kanyang boyfriend. Sinabi rin niya na gwapo at baby face umano ang lalaki.

Siyempre bilang isang babae, pangarap ni Angeline na ikasal sila ng kanyang boyfriend. Ngunit sa ngayon ay priority muna nila ang kanilang sanggol. 

Nakatakda siyang magsilang sa April 2022.

Panoorin ang buong video!