Inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na matagal na siyang kinukulit ng mag-asawa ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob.
Sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa Purple Interview kung saan inamin niyang buntis siya sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Nai-chika pa nga ni Angeline kung bakit wish ng kanyang namatay na Mama Bob na magkaroon na siya ng asawa.
Sinabi rin niya na medyo napaaga nung una siyang ma in love. Nagkaroon umano siya ng boyfriend noong nasa Grade 6 pa lamang siya at nasundan pa ito nung nasa second year high school na siya.
“Mas marami ang hindi kilala (ni Mama Bob). Ipapakilala ko lang kapag seryoso ako,” say ng singer who is celebrating her 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan “10Q”, isang anniversary concert series na binubuo ng 10 shows na gaganapin sa Manila Metropolitan Theater (Met) from October to February sa pamamagitan ng online platform na ktx.ph.
Tinuldukan na rin ni Angeline ang chikang isa siyang tomboyita.
“Talagang boyish ako simula noon. Baka nami-misinterpret lang nila. Galing ako sa buhay na wala naman akong pakialam tapos biglang ganoon,” say ni Angeline.
“Naging dyowa ko nga raw si KC Concepcion. ‘Yan ang kauna-unahang lumabas na balita pagkapanalo ko (ng reality singing search na Star Power). Mahiya naman ako kay Mama Sharon (Cuneta, ang host ng show) kung dyowain ko siya (KC),” sabi niya.
Sa kanyang social media account, marami ang naintriga sa kanyang “new life, chapter one” post.
“Kaya ko naman iyon nai-post kasi, for me, noong nawala ang Mama ko, parang panibagong panimula uli. Kaya ko na-post iyon ay dahil kay Mama Bob at pangalawa po kasi magiging nanay na ako,” pag-amin ng singer.
“Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila. He’s non-showbiz. Tapos noong nagkita kami isang beses, nagkaroon ng communication hanggang sa nagtuloy-tuloy. Bale mag-iisang taon mahigit na kami,” dagdag pa niya.
Itinanggi ni Angeline na pangalanan ang kanyang boyfriend, “Ite-text ko na lang sa inyo o kaya ID niya para alam n’yo kung saan nagwo-work,” say niya kay tito Boy.
Paano niya nalamang ang boyfriend ang “the one”.
“The one? Gano’n pala iyon, eh. Alam mo agad,” she quipped.
“Love at first sight?” tanong ni tito Boy.
“Hindi naman agad pero kasi matagal na rin po akong hindi nagkaroon ng relasyon. Nagkakilala kami parang bago pa lang ang pandemic. Before nawala ang Mama, na-meet pa niya ang Mama Bob,” sabi ng singer.
Aminado naman si Angeline na komplikado pa ngayon ang relasyon nila ng kanyang boyfriend.
“Ako, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikitang bagay na komplikado. Pero tinanggap ko kahit na alam kong may mga komplikado."
“Naramdaman ko ‘yun, ‘yung medyo may pagkalungkot. Tama si Mama Bob kasi ngayong wala na siya, wala na akong kasama rin.
“Pero parati ko namang pinapaintindi kay Mama ‘yun. Sabi ko sa kanya, ang tagal kong pinangarap ‘yung meron ako ngayon. Kung ibibigay ng Diyos kung sino ang magiging asawa ko, darating naman ’yun. Pero ayokong magmadali,” sabi ng singer-actress.
“Sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga past niya kasi meron siyang anak sa ibang babae. Hindi po siya (married).
“Hindi rin naman ako nagtanong kahit alam ko na. Siya mismo ‘yung (nagsabi),” pag-amin ng dalaga.
When asked kung ano ang ipapangalan nila sa baby na isisilang ni Angeline in April, ito ang sagot ng singer “Tito Boy, kung sa pagpapangalan sa baby, excited kami pareho.
“Ang alam niya gusto kong maging pangalan ng anak ko is ‘yung name niya ang magiging meaning ay music at messenger of God kasi ako po, ‘yung Angeline ay messenger of God ang meaning noon,” pahayag pa ng singer.