Marami na sa mga tao ngayon ang nahuhumaling sa pagbili ng mga items mula sa online. Dulot ng pandemya, naging parte na ng buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng transaksyon online.

Isa sa pinakakilalang online shop ang “Shopee.” Ito ang isa sa mga shops na pinagkakatiwalaan ng marami dahil sa mga legit items at no hassle delivery ng mga parcels para sa mga customers nito.

Noong dumating ang pandemya, naging uso na ang mga online businesses. Naging mas marami na ang mga online buyers sa mga kilalang online shops na Lazada at Shopee.

Sa pamamagitan ng pag o-online shop, naging mas convenient at napadali ang bawat transaksyon ng mga online buyers.

Dito sa application na ito, ang gagawin mo lang ay hanapin ang item na gusto mong bilhin sa shop na nais mong bilhan at i-add to cart lang.

Kung sigurong siguro ka na talaga  na bilhin ang item, dito mo na ipe-place order ang item na gusto mong bilhin. Mag-aantay ka lang ng ilang araw bago madeliver ang iyong order.

Halos lahat ng pangangailangan ng tao ay maaari ng bilhin online katulad ng mga pagkain, damit, sapatos, gadgets, kasangkapan sa bahay at marami pang iba.

Dahil dito, mas tinangkilik at patuloy pa rin ang mga transaksyon sa pagbili ng mga items sa online. 


Ganun pa man, viral naman sa social media ang post ng isang netizen na babae kung saan aniya ay natagpuan na nito ang kanyang inspirasyon sa buhay.

Matapos nitong makita ang poging delivery man na nagdeliver ng kanyang inorder mula sa online shopping na Lazada, tila napasabi ang customer na "he's the one."

Ang naturang nag viral na post ng babaeng ito ay kinaaliwan ng mga netizen at kaagad itong kumalat sa social media.



Dahil sa magandang itsura at makisig na pangangatawan ni delivery man, parang nagmistulang inspirasyon na ng babae ang delivery man. 

Nakasuot ng jeans at puting t-shirt ang delivery man at nabighani ang babae at nasabi nitong nahanap na niya ang kanyang inspirasyon sa buhay.

Ayon pa sa kanya, hiniling pa nito na sana ay tuwing mamimili siya sa Lazada ay si kuyang pogi nalang ang maghahatid sa kanya ng kanyang order.

Basahin ang nag viral na post ng babae sa social media:

"LAZADA NAMAN.. HAIR DYE LANG INORDER KO BAT MAMAN INSPIRASYON PARA MABUHAY ANG BINIGAY NIYO. SEE YOU NEXT TIME KUYA.. IKAW NA LANG SANA PERSONAL DELIVERY MAN KO..  ayoko na sa may asawa. sana single ka kuya."

Ang naturang post ay humakot ng 100K likes, 86K shares at 42 comments mula sa mga netizen.