Sa latest episode ni Cristy Fermin, patuloy pa rin niyang tinatalakay ang mainit na isyu umano na pinagkakaguluhan ngayon sa social media na kung saan involve sila ni AJ Raval at ang boyfriend ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga. 

Dito, Isang pasabog na rebelasyon na naman ang sinabi ni Cristy Fermin sa kanyang latest episode na 'Cristy Ferminute.'

Hindi nagustuhan ni Nanay Cristy kung paano magsalita si Barbie tungkol sa isyu. At ito ay hindi na umano bago sa mata ng mga madla.

"Alam mo hindi ko gusto yang tabas ng dila niyan eh. Ayoko sa mga batang ito, na kung makapagsalita, akala mo eh kanila ang mundo," sabi ni Nanay Cristy. 

"Sa bagay, hindi naman bago yung katarasan ng dila ng babaeng 'to," dagdag pa niya. 

Sinabi rin ni Nanay Cristy na hindi dapat angkinin ni Barbie ang kahit sinuman, katulad ng kanyang pag -angkin sa kanyang boyfriend na si Diego.

Sa kalagitnaan ng kanyang mensahe, tinanong ni Nanay Cristy si Diego na kung alam si Barbie umano ang 'alleged' na tinutukoy sa isang blind item noon na siyang na vi-visit daw daw kay Gerald Anderson sa gym.

"Alam kaya ni Diego, na si Barbie Imperial, yung naba-blind item noon, na nagpupunta-punta sa gym ni Gerald Anderson?" tanong ni Nanay Cristy. 

"Di ba? Alam ba yon ni Diego? Baka ngayon lang niya nalaman"?

"Siya pala yung naba-blind item noon na nagpupupunta doon sa gym, at sa bahay ni Gerald," aniya.

Kamakailan lang din ay sinupalpal ni Nanay Cristy si Barbie Imperial matapos ang kanyang madiin na pahayag tungkol sa aktres na si AJ Raval.


Sa kanyang latest episode sa kanyang online show na "Cristy Ferminute," nabanggit niya ang isyu na umiikot sa tatlo: Barbie Imperial, Diego Loyzaga at si AJ Raval.

Ayon kay Nanay Cristy, labis na siyang naawa sa aktres dahil ito na umano ang pangalawang beses na ibinato sa kanya ang parehong isyu. 

Nagbigay din ng komento si Nanay Cristy tungkol sa mga salita na ibinato ni Barbie laban kay AJ na kung saan tinawag niya si AJ na "mistress."

Sinabi ni Nanay Cristy na walang karapatan si Barbie na tawagin ang kahit sinuman dahil hindi pa umano sila kasal ni Diego Loyzaga. 

"Ineng, magkarelasyon pa lang kayo ni Diego Loyzaga, hindi pa kayo mag-asawa. Kaya wala ka pong karapatan na tawaging "mistress" ang sinumang babae na napapalapit kay Diego," sabi ni Nanay Cristy. 


"Wala ka pang kasiguruhan kung magiging kayo. Iwasan mo yan. Pagsasabi ng ganyan. Wala ka pang pasaporte para i-brand ang isang babae na mistress," dagdag pa niya. 

Wala umanong karapatan si Barbie na tawagin si AJ na kabit dahil wala pa itong hawak na dokumento na magpapatunay na sila ni Diego ay kasal na. 

"Wala, wala. Kasi wala ka pang hawak na dokumentong magpapatunay na si Diego at ikaw ay kasal na," aniya. 

Source: KAMI