Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang mga wedding photos nila ni Janine Gutierrez at Paulo Avelino matapos nag exchange na sila ng kanilang "I do's."

Ito umano ay para sa kanilang teleserye na "Marry Me, Marry You," na mapapanood weeknights sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5. 

Ang bagong kasal na sina Andrei at Camille (Paulo Avelino at Janine Gutierrez) ay ine-enjoy ang kanilang quick getaways para sa kanilang honeymoon na malayo sa problema.

Hiling ng couple na sana ay matanggap na ng kanilang pamilya ang kanilang relationship sa kabila ng 'intense clash' sa 'both families.'

Si Laviña (Teresa Loyzaga), ang evil step mother ni Andrei ay gagawin ang lahat para lamang hindi maging masaya ang ending ng dalawa. 

Magpapatulong si Laviña kina Patricia (Iana Bernardez) at Cedric (Jake Ejercito)  na i-frame up si Camille at ang kanyang pamilya para palabasin na ang pamilya ni Camille ang mastermind ng investment scam na nagkakahalaga ng ilang milyon. 

How will Andrei and Camille overcome their problems?

Watch “Marry Me, Marry You” on weeknights at 8:40 PM on Kapamilya Channel, A2Z, TV5, and Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page.

Matatandaan, malupit na kulitan ang naging ganap nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa nagdaang virtual media conference para sa season 2 ng kanilang teleseryeng “Marry Me, Marry You”.

Umpisa pa lang ng mediacon ay agad nang bumanat si Paulo kay Janine nang mabanggit ang naging palitan nila ng tweets kamakailan.

“Pinagising ko nga kaya hindi siya late ngayon, e.” bungad ni Paulo kay Janine.

Hindi na lang umimik si Janine at napailing na lang siya sa joke ni Paulo sa kanya.




May nagtanong din kung umabot na ba sa punto na kung saan nagkapikunan na ang dalawa lalong lalo na't matindi ang kanilang asaran online. 

“Wala. Gusto ko nga sanang mapikon siya pero hindi ko po ma-achieve,” pabirong reklamo ni Janine.

“Hindi po ako napipikon. Lalo na kung ganyan kaganda yung mamimikon sa iyo, hindi ka talaga mapipikon. Mas matutuwa ka pa nga, e.” bola naman ni Paulo.

Dahil nga sa nabanggit din ang kanilang batuhan ng tweets, tinanong din si Paolo kung may extra effort bang ibinigay si Paolo sa kanyang mga linyahan sa social media.

“As long as it feels natural, parang… Ok rin naman. Pero siyempre, may konting effort pagdating kay Janine. Kasi kailangan kong pag-isipan yung mga ibinabalik niyang sagot, e. So, kailangang ma-level up,” sagot ni Paulo.


Nabanggit rin ng dalawa na hindi ito ang unang beses nila na maging magkatrabaho dahil nakapag-shoot na sila noon para sa pelikulang “Ngayon Kaya” ngunit dahil nga sa pandemya ay naudlot ang pagpapalabas nito.

Source: MB