Pumalag si 'Inday Garutay' sa isa mga sa 'latest vlogs' ng magkaibigang Vice Ganda, MC at Lazzy na mapapanood sa mismong YouTube channel.

Ang vlog na ito ay umere noong Nobyembre 30, 2021. Ang pamagat ng kanilang vlog ay, "Sino ang ihahalal ni Vice Ganda"?

Ang vlog na ito ay ginanap sa Times Square, New York City USA, at nagpasya na kumain ng halal, isa umano sa mga sikat na street food sa lugar na iyon. 

Habang kumakain, nagpasya silang maglaro ng, 'Sino ang ihahalal ni Vice Ganda.'

“Tayong tatlo, magbibigay tayo ng pangalan ng ino-nominate, tapos pipili tayo ng isa kung sino ang ihahalal natin,” pagbibigay-panuto ni Vice Ganda kina MC at Lassy.

Maya't maya, sinabi ni MC na 'sino umano sa mga komedyante ang hindi nakakatawa'?

Ang ibinigay na pangalan ni Vice ay si Anton Diva, na dinepensahan naman niya kaagad. Kahit para sa kanya ay hindi nakakatawa si Anton, ito naman daw ang best singer. Ang panlaban daw talaga ni Anton ay boses niya.

Si MC naman, ang binanggit ay si Inday Garutay.

“Pero meron siyang brilliant mind… ang dami niyang kayang ibulong ‘di ba,” depensa ni MC.

Binanggit naman ni Lassy ang pangalang Janelle Jamer, dating host sa 'Wowowee.' Dinepensahan naman ni Lassy na kaya hindi nakakatawa si Jamer dahil nag focus daw ito sa hosting. 

Pagkatapos, sabay sinabi ng magkaibigan na ang 'elected' sa kategoryang ito ay si Inday Garutay. 

Ipinahayag naman ni Inday Garutay ang kanyang panig tungkol sa isyung ito sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa showbiz vlog nitong Showbiz Update. 

Aniya, pakiramdam niya ay nainsulto umano siya sa ginawa ng tatlo, lalo na’t hindi naman daw niya kaibigan si MC, na nag-nominate sa kaniya.

“Napanood mo yung vlog ni Vice Ganda?” tanong ni Ogie kay Inday Garutay via recorded interview video.


“Yes po, napanood ko pero hindi ko tinapos kasi kung ikaw ang subject at hindi naman kayo close nina MC, doon pa lang hindi mo na itutuloy eh, ‘di ba?” pahayag ni Inday Garutay.

“Ayaw mo nang tapusin kasi na-hurt ka. Kung may disclaimer sa bandang huli, I’m sorry hindi ko na pinanood kasi wala na akong time panoorin…”

“May disclaimer sila na katuwaan lang daw iyon,” pagtatanggol ni Ogie.

“Katuwaan lang pero unang-una, hindi naman kami magkaibigan ni MC eh. Magkatrabaho kami, magkakilala kami, we respect each other kapag nagkikita kami, pero hindi kami magkaibigan. Syempre, very insulting kasi iyon sa akin.”


Ayon kay Inday Garutay, maimpluwensiya umano si Vice. Kaya, kung halimbawa lang, may kukunin na komedyante sa isang raket, maapektuhan umano nito ang kanyang kabuhayan bilang stand-up comedian. 

“What if merong event na papasok sa akin, inquiry sa akin? Huwag na nating kunin si Inday hindi naman nakakatawa ‘yan eh. Kasi nga maimpluwensya nga si Vice, let’s face it,” paliwanag ni Inday.


Dulot nito, naungjat din ang kanilang hidwaan nila ni Vice noong 2010 kung saan pinatanggal daw siya ng Unkabogable star sa comedy bar na kanilang pinagtatrabahuhan.

Ngunit, sa ngayon, masasabi naman ni Inday na okay na sila ni Vice.

After na mainsulto ako sa vlog ni Vice Ganda, salamat sa vlog ni Mama Ogie Diaz after ko ma-air side ko, vindicated ako sa mga comment ng organic netizen.”

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang tatlong magkaibigan na si Vice, Lassy at MC tungkol sa isyung ito. 

Panoorin ang buong video dito!