Trending ngayon ang Kapuso TV host at  Trivia Master na si Kim Atienza matapos  inamin na may naka-date pala siya noon na member ng Viva Hotbabes.

Nabuking ang tungkol dito nang maging special guest sa morning talk show ng GMA 7 na “Mars Pa More” ang ilan sa mga dating miyembro ng sikat na sikat noon na all-female group na Viva Hotbabes.

Ngunit, usap-usapan kung sino nga ba sa mga dating sexy stars na sina Gwen Garci, Andrea del Rosario at Jennifer Lee ang naging constant date ni Kuya Kim noon. 

Itong babae na ito ang siya umanong dinala pa mismo ni Kuya Kim para ipakilala sa kanyang mga magulang. 

Kahit isa sa mga host ng Kapuso morning show si Kuya Kim ay hindi siya nakaligtas nang ma-hotseat sa “Tarantanong” segment ng programa.

Natanong ng mga co-host niyang sina Iya Villania at Camille Prats kung may bahid ba ng katotohanan na naging ka-date niya noon si Andrea.

Diretsahan namang sinagot ni Kuya Kim na, "oo" at proud pa siyang sinabi na naka-date niya umano si Andrea ilang taon na rin ang nakaraan. 

Hirit naman nina Iya at Camille kay Andrea kung proud din ba siya na nagkaroon sila ng “past” ni Kuya Kim.

“Sige na nga proud na rin ako,” ang natatawang pag-amin ng dating sexy actress at former member ng Viva Hotbabes.

Kuwento pa ni Andrea, nangyari ang kanilang pagde-date ni Kuya Kim noong siya ay isang estudyante pa lamang. 

Naalala pa ni Kuya Kim ang simula ng kanilang pagkakilalang dalawa ni Andrea. Ito umano ay noong nag pa-park na ng sasakyan si Andrea sa kanilang bahay. Ipinakilala raw sila sa isa't isa ng kanilang common friend. 



At mula noon, ilang linggo lang ang lumipas, naging constant date na sila noon. 

“I’m proud to say na inuwi ko pa sa nanay at tatay ko ‘yan (Andrea), ipinakilala ko ‘yan sa pamilya ko,” chika pa ni Kuya Kim.

Reaksyon naman ni Andrea, “Getting to know the fambam.” Dagdag pa ng aktres, nangampanya rin siya noon nang sumabak sa politika si Kuya Kim.


Kahit hindi nauwi sa isang seryosong relasyon ang pagde-date nila noon ni Kuya Kim at Andrea, nanatili pa rin ang kanilang pagiging magkaibigan hanggang ngayon. 

Source: bandera