Kalimitan, kung sino pa yung walang wala na talaga ay siya pa yung may busilak na puso para tumulong sa iba na nangangailangan. 

Labis na naantig ang puso ng mga netizen matapos nagpakita ng kabutihang loob ang isang lola sa probinsya na walang pagdadalawang isip na tulungan ang isang taong nanghingi ng kaunting kanin na kanyang makakain. 

Ito ay social experiment na ginawa ng isang online video creator na na si Lucky o mas kilala bilang kingLuckss sa kanyang online channel. 

Nagpanggap siya na isang gutom na palaboy at kumakatok katok sa mga kabahayan upang manghingi umano ng kanin. 

Sa una'y akala niya wala ng talagang tutulong sa kanya dahil puro pagtanggi ang kanyang natatanggap sa mga taong nilapitan niya. Hanggat natyempuhan niya ang isang matandang mag-isa nalang sa buhay.

Hindi niya akalain na bukas palad siyang tatanggapin at patutuluyin ng kanyang munting bahay kubo upang makaupo, makapag pahinga at makakain. 

Umaapaw ang kasiyahang nadarama ni Lucky sa kabaitan ng matanda sa kanya. 

Kahit wala man itong maibigay na kanin, handa siya nitong ipagsaing at bigyan ng makakain. 

At dahil narin sa kanyang pagpanggap na sobrang gutom, agad na nagpaalam ang matanda upang ihingi siya ng kanin sa kapitbahay. 

Nakangiting pinatuloy siya ng lola at pinaghanda pa umano siya ng makakainan niya. At ibinigay pa ang natirang paksiw na ulam na itinabi para panghapunan sana ni lola.

"Sa itaas pwede kang kumain. Dito ka para may mesa ka. Okay lang, umupo ka." saad ni Lola

"Huwag kang mahiya. Tao lang tayo. Walang problema." dagdag nito.


"Nay sa lahat ng nilapitan ko, ikaw lang nakikipag-usap sa akin. Kaya masaya ako, Nay," pasasalamat ng vlogger sa kabutihan ng matanda.

Matapos nito, sinabi na ng vlogger ang kanyang totoong pakay. Binigyan niya si lola ng limang libo, ngunit tinanggihan lamang ito ng matanda.

"Huwag na. Sa iyo lang yan. Para may pangbili ka ng pagkain mo. Okay lang naman ako. Kung wala akong pera  pwede naman ako makahiram dito."

"Sayo na yan, para pamasahe mo. Malaki ang pera na yan.  

Kahit ano pang pilit ng vlogger na tanggapin ni lola ang pera, buong puso niya itong tinanggihan, hanggat sa lumuhod na siya para lang tanggapin ang alok niya bilang pasasalamat kay lola.

Tinawag din ni Lucky ang isa pang matanda na siyang nagbigay ng kanin kay Lola upang mabigyan din ng tulong, ngunit parehas lang ang ginawa nito, tinanggihan ang kanyang pera.


Hanggang sa wala na lang nagawa ang matanda at tinanggap na nila ang pera.

"Sobrang laki na nito, wala ka ng pera sayo. Ang Panginoong Diyos ang magbabayad sayo. Magbigay ng panalangin sa iyong trabaho.  

Source: thedailysentry