Isa sa pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang isang post matapos napagkamalan ang isang lalaki na kawatan habang tumatakbo na may dalang washing machine.

Sa isang barangay sa Maynila, dala dala ng isang lalaki ang isang washing machine na siyang ikinagulat ng marami dahil akala nila na ninakaw iyon ng lalaki.

Sa programang "On Record," napag-alaman kay Chairman King Ancheta ng Barangay 446 Zone 44 sa Sampaloc na ang lalaki pala na nasa viral na video ay kasama pala sa isang pakulo ng barangay na online "Bring Me" challenge. 

Ang palaro na ito ay sinimulan umano ng barangay simula noong may pandemya. 

Naka-monitor naman ang mga tanod sa mga CCTV sa kanilang lugar upang mabantayan ang palaro at masigurong nasusunod ang health and safety protocols.

Kinilala ang lalaking nag-viral sa social media na si Dean Lester PeƱamante, na naengganyong sumali para may pambili ng pagkain.

Nanalo naman ang lalaki ng Php 500 na pinaghatian naman nila ng may-ari ng washing machine. 

Samantala, nag viral din noon ang isang lalaki na nagngangalang Victor dela Cruz matapos mag ala 'Jackie Chan' sa pagsipa sa isang kawatan. 

Aktong nakuhanan ng CCTV ang pagtakas at pagktakbo sana ng magnanakaw nang nakita ito ni Victor at sinipa ito nang sinipa na kitang kita ng mga tao na nag ala 'Jackie Chan.'


Kitang kita rin sa CCTV ang pagharang ng dalawang lalaki para hindi makatakas ang kawatan at tuluyang mahuli ng mga awtoridad. 

Dahil sa lakas ng sipa ng lalaki na nag ala 'Jackie Chan,' natumba ang kawatan at dahil nito hindi na nahirapan pang hulihin ang kawatan ng mga awtoridad at tuluyang dinala na ito sa kulungan. 

Ayon sa ulat ng GMA News, mismong ang kanilang Barangay Chairman ang nagdesisyon na ibahagi ang nakuhang CCTv footage dahil na rin sa paghanga niya sa mala-Karate Kid na pagsipa ni Dela Cruz.

Pinasalamatan niya si Dela Cruz ngunit nagbigay din siya ng paalala na mag doble ingat ang mga tao kung sakaling maisipang pumapagitna katulad ng ganung mga pangyayari na kahit ang intensyon pa ay tumulong. 

Paalala rin niya ang mga posibleng kapahamakan ang idudulot nito kaya mas mabuti na ang mga awtoridad pa rin ang bahala sa mga ito dahil mas may alam sila sa mga posibleng mangyari na kapahamakan.


Sa panahon ngayon, dapat talaga na mag-ingat sa mga tao na nakakasalamuha o nakikita sa inyong paligid. Hindi natin alam ang bawat intensyon ng isang tao. 

Nakakalungkot nga lang dahil sa panahon ngayon, mas lumaganap pa ang pagnanakaw, mga krimen sa halip na magtutulungan ang bawat isa para sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa.

Source: gophilippines