Trending ngayon sa social media ang ibinahagi ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account matapos nagbahgi siya ng kanyang opinyon tungkol sa mga photos nila ni Dominic Roque at Bea Alonzo. 

Ayon kay Lolit Solis, may napansin daw siya sa mga litrato ng couple na sina Dominic at Bea. Bungad pa niya, medyo OA raw ang kanilang mga photos na dalawa.

Dagdag pa ni Lolit, baka paandar lang ito ni Bea na gusto niyang maisip ni Gerald na naka move on na talaga siya sa nangyaring pang go-ghost ni Gerald sa kanya.

Sabi rin niya na mas ‘wild’ pa umano si Bea kay Julia o di kaya’y baka si Dominic ay higit na showy kaysa kay Gerald. 

"Napansin din pala ng mga followers nila Bea Alonzo at Dominic Roque iyon parang OA na sweetness nila sa mga pictorial Salve. Kahit ako nagugulat na para bang mga posing na ng mag asawa ang ginagawa ng dalawa," sabi ni Nanay Lolit.

"Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial. Para ngang medyo very daring iyon mga photos nila together,” dagdag pa ni Lolit.

Ayon kay Nanay Lolit, parang mapapaisip ka talaga na ginagamit lang ni Bea si Dominic para masabi na naka move on na talaga siya kay Gerald mula sa pang go-ghost ng aktor. 

"Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka move on na siya sa ghosting nito. At para naman very unfair kay Dominic na nagagamit siya kung totoo nga ito,” aniya.

Sinabi rin niya na nakakagulat daw dahil para sa kanya, mas wild pa si Bea Alonzo kumpara kay Julia Barretto. 

"Bongga nga, mas parang wild pa si Bea Alonzo kay Julia Barretto, hah hah , or hindi lang showy si Gerald Anderson at mas wild si Dominic Roque,” komento ni Nanay Lolit.


Matatandaan, umugong noon sa social media ang usap-usapan tungkol sa post ni Lolit Solis na naawa umano siya sa kay Julia Barretto at Dominic Roque dahil sa ongoing conflict ng isyung Gerald-Bea.

Sa kanyang post, sinabi niya rito na maaaring ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay dahil totoong mahal na mahal nila ang isa’t isa. 

Opinyon ng entertainment writer na sigurong ‘frustrated’ sina Julia at Dominic dahil hindi pa sila tuluyang makawala sa isa’t isa (unable to get away from each other’s shadow)

Nagpahayag din siya ng kanyang simpatiya sa bagong girlfriend ni Gerald, Julia Barretto at suitor naman ni Bea, Dominic Roque.

Ang post ni Lolit Solis ay naging viral matapos inakusahan ni Bea si Gerald na nag cheat nang-ghost at gaslighting. 

“I can feel na frustrated sila Julia Barretto at Dominic Roque dahil parang kahit ano gawin nila hindi mawala iyon shadow nila Gerald at Bea sa isa’t isa.”

Marami pa ang magaganap bago tuluyan mabura ito, pero pag talagang para sa iyo, in the end, kayo pa rin,” sabi ni ni Lolit Solis sa kanyang post.

Ayaw talaga matapos ang isyu sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, Salve. Siguro nga totoo na iyon matinding love mo, ganun din ka intense ang hatred mo pag nabigo.”


Mukha ngang ito lang ang relasyon na meron ng iba si Gerald, at mukhang peace na si Bea , pero ayaw maputol ang tie that bind them.”

Isang salita ni Bea , ibabaling kay Gerald, isang comment kay Gerald, ibabato kay Bea. Tulad nga ng kasabihan na lahat ng path toward happiness is full of bumpy roads, ito na siguro ang pinagdaanan na break up nila Gerald at Bea.”

Siguro nga, kahit nasa process na sila ng moving on hindi parin maiiwasan iyon intriga sa naganap na break up.

“Dapat lang ipakita nila ang tatag, para matanggap na ng tao na ito na, may bago na kaming mahal. Past is past, don’t look back. Move forward,” post ni Lolit sa Instagram. 

Source: KAMI