Hindi nagpahuli ang isa sa mga kilalang commentator na si Lolit Solis sa pagbigay ng kanyang reaksyon at komento sa kumakalat na balita tungkol umano sa namumuong relasyon nila ni Jeric Gonzales at Rabiya Mateo. 

Sa kanyang Instagram, sinabi ni Lolit na maaaring hindi raw itinatago nina Jeric at Rabiya  ang tunay nilang relasyon dahil nakita na itong "very sweet" sa isang amusement park sa Laguna. 

Ayon kay Lolit, kung tunay mang may relasyon sina Jeric at Rabiya siguro raw ay noon pa mayroon nang "nag-bloom na love" sa dalawa.

"Bagay naman sila dahil beauty queen si Rabiya Mateo, at matangkad at pogi naman si Jeric Gonzales," aniya.

Nag iwan din ng katanungan si Lolit sa kanyang post na sakaling may bagong love team kina Jeric at Rabiya.

Sabi niya, wait tayo ng ending nito, tuloy sa altar o career muna para mas maayos ang future. Ano ang pipiliin ng dalawa? Wait natin. 

Kamakailan lamang, kapwang bumida sina Jeric at Rabiya sa "Magkaibigan" episode ng Wish Ko Lang na ipinalabas noong November 27.

Kasalukuyang nasa lock-in taping si Rabiya para sa book two ng upcoming series na "Agimat ng Agila" kasama sina Bong Revilla at Sanya Lopez.

Pinagkakaguluhan kamakailan lang sa social media ang nag viral na post ng former Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo kasama umano ang isang aktor. 

Sa mga photos na ibinahagi sa social media, naispatan umano na niyayakap si Rabiya Mateo ni Jeric Gonzales sa isang theme park.

Marami namang mga netizen ang nagsabi na baka ito ay parte lamang ng kanilang shooting na ginagawa. 


Patuloy pa rin kinukumpirma ang kumakalat na photos online kung ito ba ay para sa shooting lang o kung totohanan na ba talaga. 

Matatandaang, isa sa mga nag trending na isyu noon ay ang hiwalayan nila ni Miss 2020 Miss Universe Philippines, Rabiya Mateo ang ang long-time boyfriend niyang nurse na si Neil Salvacion. 

Matapos lumaban sa Miss Universe pageant na ginanap sa Amerika, nabalita ngang nag-break na ang dalawa. 


Mismong si Neil ang nagkumpirma sa publiko ng malungkot na balita na totoong hiwalay na sila ng beauty queen.

Kasabay ng isyung ito, nakiusap si Neil na huwag i-bash si Rabiya dahil pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay. 

Dagdag din ni Neil, talagang malaki ang sakripisyo na ginawa ni Rabiya para makamit lang niya ang kanyang pangarap. 

Matapos umamin si Neil, nagsalita rin si Rabiya na totoong wala na sila at nangakong mag-uusap sila ni Neil kapag nakauwi na siya ng Pilipinas mula sa pagrampa sa Miss Universe noong Mayo.

Nitong buwan lang din ng September 7, biglang lumabas ang balita na nag-audition si Neil sa bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” kung saan nabanggit nito sa isang video na nakipaghiwalay sa kanya si Rabiya dahil sa korona.

Sa ginanap na virtual mediacon ng GMA para sa contract signing ng beauty queen sa Kapuso network, natanong siya kung ano ang naging reaksyon niya sa naging pahayag ng kanyang boyfriend. 

“I will be honest in answering this question. To be honest po, we were talking na, he told me na he wanted to join (PBB). I told him, ‘Go ahead. I’m proud of you.'”

Humingi na rin daw ang binata ng paumanhin matapos kumalat sa social media ang kanyang audition video sa “PBB”, “After nu’n, we also talked about the issue, and he said sorry.


“Sabi ko rin, iba kasi yung pagiging public figure. Siguro yun ang hindi niya na-prepare yung sarili niya. Na everybody is gonna have a say about you.

“If you really want it, if you can take the responsibility, then go ahead,” chika pa ni Rabiya.

Naikuwento rin niya ang ginawa niyang pakikiramay kay Neil nang mamatay ang nanay nito, “He just lost his mom three weeks ago. So, dinamayan ko rin po siya.

“That’s why kahit anong ibato ng tao for the both of us, alam ko po na he’s my best friend.

“Hindi rin madali yung seven years na pinagsamahan namin. If he needs me, I’m gonna be there as a friend,” aniya pa.

Source: gmanetwork