Kahit matagal na panahon na ang nakalipas, marami pa rin ang nagulat sa rebelasyon ng actress-singer na si Pops Fernandez. 

Sa kanyang YouTube channel, dito niya inamin na may nakarelasyon siyang dalawa sa mga sikat na aktor sa industriya. 

Sa "Jojowain o Totropahin Challenge," inamin ng aktres na naging karelasyon niya ang dalawa sa mga batikang aktor na sina Piolo Pascual at Aga Muhlach.

Pinag-usapan ang walang kamali-malisyang pag-amin ni Pops na lantarang kinainggitan ng mga kapwa niya babae dahil mga gwapo at sikat ang kanyang mga ex-boyfriend.

“Pops is Pops” at “Unli-Pops” ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens tungkol sa rebelasyon na ginawa ni Pops.

Magdiriwang ng ika-55 na kaarawan si Pops sa December 12, pero sabi ng marami na para siyang bampira dahil hindi tumatanda ang kanyang hitsura.

Sa katunayan, habang nagkakaedad, lalong gumaganda si Pops dahil marunong mag-alaga sa sarili kaya walang panahong nakita siyang tumataba o lumalapad ang pangangatawan.


Bago pa umamin si Pops na may nakaraan sila ni Papa P, ang kanyang close friend ang unang nakarelasyon ng 44-year-old actor kaya may karapatan ang "mystery friend" na magsalita ng “Una siyang naging akin.”

Kamakailan lang, nabalitang nakauwi na ang anak nina Pops Fernandez at Martin Nievera na si Ram matapos itong ma-admit sa ospital sa loob ng isang linggo dahil sa health scare.

Sa Instagram post ni Fernandez ay sinabi niya: “Going home. God is good”.

Inihayag naman ng ex-husband ni Fernandez sa kanyang komento: “So happy he is back. The ram we know and love is back”.



Hindi naman nabanggit nina Pops at Marti ang iba pang mga detalye kaugnay sa kondisyon ni Ram.

Ngunit tila ay lumalabas na dinala ang kanilang anak sa emergency room at sa coronary care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.

Makikita rin sa post ng singer na pinasalamatan niya ang mga tauhan ng mga nasabing unit ng pagamutan.

Unang beses na inihayag ni Fernandez ang tungkol sa pagpapa ospital ng kanyang anak sa Instagram 

Noong Biyernes, sinabi niya na may bagay na hindi inaasahang nangyari kay Ram noong nakaraang linggo kung saan ay naiyak sila at napadasal ng marami.

Source: PEP