Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag open up ni Rob Moya tungkol sa kontrobersyal na break up nila ng sikat na vlogger na si Toni Fowler. 

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang, "Nagsisisi Ako," ipinahayag ng influencer ang kanyang mga pagsisisi sa naganap na hiwalayan nila ni Toni.

"Sad talaga ako. Kahit meron akong lahat nito, yung fame o money. I'm not happy. I miss them. I miss her talaga." 

Ayon kay Rob, alam naman umano ni Toni na may feelings pa si Rob sa kanya, ngunit hindi na umano niya kayang ibalik ang oras.

"Alam naman niyang mahal ko siya syempre pero hindi ko naman maibabalik yung oras na sana hindi na lang ako umalis," sabi ni Rob.

Ayon sa influencer, ang hiwalayan nila ni Toni ang isa sa mga pinagsisisihan niya sa buong buhay niya. 

At hindi lang umano siya ang nasaktan, pati na rin ang mga feelings ng kanilang mga supporters. 

"Yan yung pinaka malaki kong pagsisisi na hindi ko man lang sinubukan ulit, na hindi ko man lang nilaban yung relasyon namin,"paliwanag ni Rob.


Kamakailan lang, nag trending ang isyu tungkol umano sa kumakalat na post na hiwalay na umano si Rob Moya at ang girlfriend nitong si Jennifer del Rosario. 

Ito ay usap-usapan dahil umano sa trending na post ni Rob Moya na kung saan kasama niya si Toni Fowler at may caption na "kami pa rin."

Sa kanyang post, magkasama silang dalawa ni Toni Fowler at binigyan niya ng bulaklak ang nasabing vlogger. 


Dulot nito, maraming mga netizen ang nagsabi na tila may "come back" ang dalawa dahil sa trending post ni Rob Moya. 

Usap-usapan ang post din ng dalawa nina Rob at Jennifer sa Facebook na parehong "single" na ang nakalagay na status sa kani-kanilang Facebook account. 

Pareho na ring walang mga litrato na magkasama sina Rob at ang gf nito sa kani-kanilang Facebook account. 

Nabigyan din ng pansin ng mga netizen ang heartbreak emoji post ni Rob Moya sa kanyang Twitter account at agad itong binaha ng mga samu't saring komento. 

Inulan umano ng mga negatibong komento ang post na ito ni Rob Moya ng mga netizen. 

Marami sa mga netizen ang nalungkot umano para kay Tito Vince na siyang bali-balitang nanligaw kay Toni Fowler dahil sa umuugong na isyu.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post:

"Haltang gipit si moya..  Kaya si ex na mapera ang pilit na binabalikan lols.."


"Baka nga ngabalikan na sila Kasi nagka hiwahiwalay na mga toro family 😥 Wawa naman c Tito Vince Kung ganun umasa sa Wala."

Matatandaan, isa sa mga sinusubaybayan ng mga tao noon ay ang celebrity at YouTuber couple na sina Toni Fowler at Rob Moya. Marami sa mga netizen ang kilig na kilig noon sa kanilang mga vlogs dahil sa kanilang mga couple videos. Dito mas nakilala ng marami si Toni at Rob.

Ngunit medyo matagal na rin na panahon ang nakalipas nang kumalat ang isyu na hiwalay na sila ni Toni Fowler at Rob Moya. Maraming mga naging espekulasyon ang mga netizen na kung ano ba talaga ugat ng kanilang pinag-awayan. 

Source: KAMI