Trending na trending ngayon ang isyu tungkol umano sa kumakalat na post na hiwalay na umano si Rob Moya at ang girlfriend nitong si Jennifer del Rosario. 

Ito ay usap-usapan dahil umano sa trending na post ni Rob Moya na kung saan kasama niya si Toni Fowler at may caption na "kami pa rin."

Sa kanyang post, magkasama silang dalawa ni Toni Fowler at binigyan niya ng bulaklak ang nasabing vlogger. 

Dulot nito, maraming mga netizen ang nagsabi na tila may "come back" ang dalawa dahil sa trending post ni Rob Moya. 

Usap-usapan ang post din ng dalawa nina Rob at Jennifer sa Facebook na parehong "single" na ang nakalagay na status sa kani-kanilang Facebook account. 

Pareho na ring walang mga litrato na magkasama sina Rob at ang gf nito sa kani-kanilang Facebook account. 

Nabigyan din ng pansin ng mga netizen ang heartbreak emoji post ni Rob Moya sa kanyang Twitter account at agad itong binaha ng mga samu't saring komento. 

Inulan umano ng mga negatibong komento ang post na ito ni Rob Moya ng mga netizen. 

Marami sa mga netizen ang nalungkot umano para kay Tito Vince na siyang bali-balitang nanligaw kay Toni Fowler dahil sa umuugong na isyu.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizen sa nasabing post:

"Haltang gipit si moya..  Kaya si ex na mapera ang pilit na binabalikan lols.."


"Baka nga ngabalikan na sila Kasi nagka hiwahiwalay na mga toro family 😥 Wawa naman c Tito Vince Kung ganun umasa sa Wala."

Matatandaan, isa sa mga sinusubaybayan ng mga tao noon ay ang celebrity at YouTuber couple na sina Toni Fowler at Rob Moya. Marami sa mga netizen ang kilig na kilig noon sa kanilang mga vlogs dahil sa kanilang mga couple videos. Dito mas nakilala ng marami si Toni at Rob.

Ngunit medyo matagal na rin na panahon ang nakalipas nang kumalat ang isyu na hiwalay na sila ni Toni Fowler at Rob Moya. Maraming mga naging espekulasyon ang mga netizen na kung ano ba talaga ugat ng kanilang pinag-awayan. 

Maalalang, naiugnay si Toni Fowler kay Jon Gutierrez o mas kilala bilang "King Badger" na dating asawa ng sikat na YouTuber at aktres na si Jelai Andres. 

Binulabog nina Toni at Rob ang kanilang mga fans sa social media matapos nakitang magkasama ulit ang dalawa.

Sa bagong upload na vlog ni Toni Fowler sa kanyang YouTube account, dito niya ibinahagi sa publiko ang muling pagkikita nila ni Rob Moya. 

Marami ang gumawa agad ng mga espekulasyon at mga paghihinala na baka raw nagkabalikan na ang dalawa dahil sa magkasama na umano ulit sila at ibinahagi pa ito mismo ni Toni. 

Sa programang, Raffy Tulfo in Action, may nilinaw si Toni Fowler sa publiko tungkol sa kumakalat na tsismis na nagkabalikan na raw sila ng kanyang ex boyfriend na si Rob Moya. 

Dito na ipinaliwanag ni Toni na hindi talaga sila nagkabalikan nin Rob Moya. Nagkita sila sa isang veterinary shop dahil lang umano sa aso na sinabi niyang pagmamay-ari ng kanyang ex boyfriend. 


Sinabi naman niya na magkaibigan pa rin sila ni Rob Moya ngunit walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na nagkabalikan talaga silang dalawa. 

"Sir Raffy, i-clear ko lang po. HIndi po kami nagkabalikan ng ex ko po. Nagkabati lang po kami at nagkapatawaran," sabi ni Toni.

"Ako po yung nag-reach out sa kanya... Tinawagan ko po siya para sa aso po namin," paliwanag pa ni Toni. 

Inamin naman ito ni Rob Moya na "okay" na talaga sila ni Toni Fowler matapos ang kanilang naging mga umuugong na controversies. Maaalalang nag viral ang dalawa matapos silang maghiwalay. Sa latest vlog nila ni Toni at Rob na magkasama sila, nanghingi ng tawad si Rob kay Toni at pati na rin sa pamilya nito dahil nadawit umano sa nasabing isyu. 

Panoorin ang buong video dito!