Trending ngayon sa online community ang ginawang pag-amin ng actress-singer na si Sheryn Regis na isa umano siyang lesbian sa kanyang dating asawa.

Kwento pa ni Sheryn, nanginginig umano siya habang sinasabi sa mister niya ang kanyang saloobin na dati’y in denial pa raw talaga siya sa kanyang tunay na gender identity.

Inamin ito ng singer-actress sa kanyang dating asawa dahil ayaw niya isipin na niloloko lang niya ang kanyang asawa at naging mas magaan na rin ito sa kanyang sarili matapos ang ginawa niyang pag-amin. 

Sabi ni Sheryn, iyon daw ang nakita niyang matinding dahilan kung bakit nakaranas siya ng depresyon dahil umano sa hindi siya nagpapakatotoo agad sa kanyang sarili.

Sa panayam  ni Ogie Diaz kay Sheryn at sa partner nitong si Mel De Guia, ikinuwento ng singer kung paano sila tulyang umalis at nagpapakatotoo sa kanilang sarili sa harap ng publiko.

"Mas unang nalaman ni Tito Earl. Tito Earl is my husband, may ex-husband. Sabi ko sa kanya 'Tito Earl, I am a lesbian',” aniya.


"Syempre asawa mo 'yun ego ng lalake yun. Nag-asawa ako ng lesbiana... Ano 'to niloloko ako? Sabi ko yes tito Earl. Im living a lie. Not just to you, not just to the family, Lie sa sarili ko," paliwanag ni Sheryn. 

"Kaya siguro ako nagkaroon ng depression, nagkasakit ako, sinubok na ako ng buhay," dagdag pa ni Sheryn. 

Nilinaw din niya na maayos ang pakikitungo ng kanyang dating mister sa bago naman siyang partner na si Mel. 

Madalas pa umanong nag-uusap ang kanyang bagong partner at ang kanyang dating asawa.

Kamakailan, usap-usapan ang pagiging mas blooming  ng tinaguriang ‘Crystal Voice of Asia’ na si Sheryn Regis matapos ang pag-amin at pagbabahagi niya sa publiko na in a relationship siya sa LGBTQIA+ member at YouTuber na si Mel De Guia.


Matapos nag viral ang kanilang TikTok video, naging ‘malaya’ na ang Cebuana power belter sa pagbabahagi ng kanilang sweet moments.

Sa kanilang mga posts din sa sa social media, hinuha ng maraming mga netizen na magkasosyo pa sila sa negosyo na ‘torta’ o Bisayang mamon.

Todo suporta naman sa kanya ang isa rin sa pinakamahusay na singer na si Ice Seguerra (dating Aiza Seguerra) sa bagong relasyon ni Sheryn. 

Isa rin si Ice Seguerra (dating Aiza Seguerra) sa mga bumati sa dalawa na miyembro din ng LGBTQIA+ community at mister ni Liza DiƱo.

Panoorin ang buong video dito!