Marami na talaga ang mga mapamansamantalang tao ngayon lalong lalo na sa panahon ng pandemya na kung saan malimit na lamang ang mga face-to-face interaction. 

Gaya na lamang sa kwentong ito, sinamantala ng lalaking ito ang kalungkutan ng iilang mga babae. Hindi lamang dalawa o tatlo ang kanyang nabiktima, kundi anim. 

Gwapo, makisig, at tila mabait ang lalaki kaya nama'y madaling nabihag ang puso ng anim na dalaga. Pinagsabay-sabay niyang kinarelasyon sina Nika, Karla, Lauren, Camila, Lisa, at Lea.

Iba't ibang cellphone numbers ang ginagamit ng lalaki upang sila ay kontakin. Lingid sa kaalaman ng mga babae na pineperahan lamang sila nito.

Matapos paibigin niya ang mga babae at pasagutin, bigla na lamang itong mag o-open up ng kanyang mga problemang pinansyal at magpapaawa na makahingi ng pera. 

Sa karanasan ni Nika at Karla, nag-abot sila ng pera sa lalaki nung nabanggit niya na wala raw silang kuryente sa kanilang bahay.

Sa kwento naman ng isa pang babae na si Lea, nabawasan ang kaniyang ipon sa bangko matapos siyang lapitan ng lalaki at sinabing nagkaroon ng COVID-19 ang kanyang tiya at kailangan ng pambayad sa ospital.


Sa side naman ni Lauren, dumating sa puntong hindi na nagbigay ng pera sa lalaki. Nakilala niya sa isang app ang mangingibig ngunit nang hindi na makapagbigay ay tila wala nang  gana ang lalaki sa kanya. Hindi na raw nagparamdam ang lalaki.

Kahit si Camila na flight attendant ay bigla nalang umano itong natauhan. 

Si Lisa na OFW naman sa Europe ay biktima rin matapos magbigay ng  PhP 150,000 sa lalaki. Ang naging rason ng lalaki sa kaniya, paalisin na raw sila sa kanilang bahay.


Nakilala umano nilang lahat ang lalaki sa Instagram na kung saan nag-follow lang umano ang lalaki at doon na dahan-dahan pinaibig sila ng lalaki at peperahan.

Sa ngayon, hindi na ma-contact ang at ma-reach ang lalaki sa kanyang mga social media accounts at 'cannot be reached' na rin ang kanyang mga contact numbers.

Nagdesisyon i-expose ng mga babae ang galawan ng biktima para umano maging aware ang lahat na may ganito palang modus na nagaganap.


Hindi naman umano nag disclose ang mga biktima sa tunay na pangalan ng lalaki, ngunit ini-imbestigahan na ito ng mga awtoridad. 

Ang kwentong ito ay magsilbi sanang mensahe at lesson sa lahat na huwag agad magtitiwala sa mga taong nakilala lang online. 

Mas mabuti pa rin na kilalanin muna ang isang tao bago magtiwala at magbigay ng kung anumang hinihingi nito. 

Panoorin ang buong video dito!