Viral ngayon sa social media ang kumakalat na post tungkol sa gagawin na article niya kay Alodia tungkol sa komento nito sa isyu tungkol kay Christine Samson at ng kanyang ex boyfriend. 

Sa Facebook post ni Christian Gaza, nag chat siya sa mismong Facebook account ni Alodia. Dito, sinabi niya na nais niyang kunin ang komento ni Alodia.

"Good morning, Ms. Gosiengfiao. My name is Christian and I'm writing gossip article about you. Gusto ko lang sana kunin ang iyong komento tungkol sa kumakalat na tsismis," mensahe ni Gaza kay Alodia.

Ayon kay Christian, kaya nga raw sinibak ng Tier One Entertainment si Ms. Samson dahil mas nagagandahan daw umano ang ex boyfriend ni Alodia kay Christine. 

"Kaya sinibak ng Tier One Entertainment si Ms. Samson eh dahil mas nagagandahan daw sa kanya ang ex-boyfriend mo," dagdag pa ni Gaza. 

Sinabi naman ng influencer na ang ginawa niyang pag me-mensahe kay Alodia ay isasapubliko niya, ngunit ang lahat ng maging reply ni Alodia tungkol dito ay confidential.

"NOTICE: I'm taking a screenshot from this point and I will upload it on Facebook. All your replies after this message shall be very confidential. For my eyes only. Thank you very much."


Sa ngayon, wala pang komento si Alodia tungkol sa naturang tsismis na kumakalat. 

Matatandaan, naging trending noon ang hiwalayan nila ni Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich na ikinagulat ng maraming mga netizen. 

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng dalawa ni Alodia at ng kanyang boyfriend na si Wil Dasovich ang kanilang hiwalayan.

"To those asking, wala na kami. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be," post ni Alodia.

"I hope you respect our privacy during this time in our lives," dagdag pa niya.

Nitong Nobyembre 16 naman, isang simpleng litrato naman na may simpleng caption ang kanyang ipinost.

“One step at a time,” aniya. Bumaha naman ng mga encouraging words ang comment section, at mga mensahe na sana raw ay maayos pa nila ang kanilang relasyon, lalo’t si Alodia ang kasa-kasama ni Wil noong mga panahong nilalabanan ng vlogger ang sakit na cancer.

Samantala, may IG post tungkol sa pagmo-move forward, nitong Nobyembre 16 ang ex-boyfriend ni Alodia. 

“Keep moving forward, because there is no other option. You can rest, you can eat, sleep, pray, do what you need to do to find your strength, and then when you are ready we move again. We always move. If you stop moving, so does your life.”

Habang kumalat na ang “move on” posts ni Alodia at Wil, kalat na kalat naman sa TikTok ang pagkakadawit sa pangalang Barbie Imperial at Christine Samson. 


Si Christine ay kilala bilang isa sa mga matalik na kaibigan nila ni Wil at Alodia. Bago paman nakilala si Christine sa noontime show na “It’s Showtime,” isa na siyang sikat na video game streamer. 

Laking pagtataka naman ng maraming mga netizen na kung bakit nadawit pa ang pangalan ni Barbie Imperial kung gayon ay may Diego Loyzaga na siya. Maraming mga netizen ang nag-uugnay sa kanya sa hiwalayang Alodia at Wil.

Source: facebook