Kasama rin pala sa nabiktima ni aka "Poblacion girl" ang kapatid ng aktor na si Joross Gamboa at ayon sa post ng aktor, nag positibo na rin ang kanyang kapatid sa COVID-19.

Ang pangyayaring ito ay hindi ine-expect nilang mag-asawa na si Katz-Saga Gamboa ang naging pagsalubong nila ng New Year dahil hindi nila kasama ang kanilang dalawang anak.

Pero, ipinapakita naman umano nila ni Joross ang pagiging responsableng citizen at mabuting mga magulang sa kanilang mga anak. 

Dahil na-expose daw sila sa isang COVID-19 positive, mas pinili nilang mag-quarantine na lang sa bahay na silang dalawa at ang dalawang anak nila ay kasama muna ng mga Lolo at Lola sa Quezon.

Sabi ni Joross, “Happy New Year Everyone! Kung napansin ninyo ‘di namin kasama ang mga anak namin. First time namin silang ‘di nakasama salubong ng New Year pa! Actually na-expose kasi kami sa may covid kaya agad-agad kaming nag quarantine sa bahay for 5 days bago pa rt-pcr at ang mga anak namin sa lolo at lola na muna sa Quezon. Mas pinili kasi namin maging responsible at pinagpalit ang panandaliang kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Wala naman kami covid19 pero naninigurado kami.


“Wag natin kalimutan may covid19 pa rin! Kamag-anak namin sa US, Italy pati dito sa Pinas may mga COVID19 na ultimo kapatid o at friends niya na nakuha nila sa Poblacion.

“Anyways bukod sa pag-iingat at pagmamalasakit sa ibang tao,wala na tayong ibang magagawa kung di kumapit kay Lord. Let’s all focus on Jesus Christ so we can have peace! God bless everyone.”

Kamakailan lang, nalamang kasama sa haharap ng criminal charges ang mga magulang ni Gwyneth Chua o aka "Poblacion girl" na ihahain ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon sa CIDG, isasampa kay Chua at sa walo pang mga tao na kasama ni Chua sa party ang nararapat na parusa para sa mga lumalabag sa mga basic health protocol at sa mga quarantine rules.

Ayon din sa mga ulat, ang mga magulang ni Chua ay mismong nag pick-up sa kanya sa hotel. 

Ayon kay Ferrero, nalaman nila na ang ama mismo ni Chua ang siyang nag pick-up sa kanya sa Berjaya Hotel sa Makati, Disyembre 22. 


Disyembre 23 ng gabi, nakita siya na kasama ang kanyang friends na nag pa-party sa Poblacion, Makati.

Nitong Disyembre 25, dinala ulit siya sa Berjaya Hotel ng kanyang ina. 

Maliban sa mga magulang ni Chua, kasama rin sa sasampahan ng kaso ang mga staffs ng nasabing hotel.

Source: abante