Isang 80-year old na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa kasong pagnanakaw ng 10 kilong mangga sa Asingan, Pangasinan noong Enero 13, 2022.
Ayon sa Public Information Office ng Asingan, si Lolo Narding ay inaresto base sa ipinalabas na warrant of arrest ng 7th Municipal Circuit Trial Courts (MCTC) ng Asingan-San Manuel, Disyembre 20, 2021.
Batay na rin sa spot report ng Asingan PNP, hinuli si Lolo Narding kasunod ng isang manhunt operation pasado alas 5 na ng gabi, Enero 13, sa Barangay Bantog.
“Pinapitas ko yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun," sabi ni Lolo Narding.
Dagdag pa niya, sinubukan niyang i-settle ang sitwasyon at nag boluntaryong bayaran na lang ang nakuhang mangga kaysa umabot pa sa korte.
"Ang gusto ko sana makipagsundo, maliit lang naman kasi na bagay, noong ibibigay ko 'yung bayad, ayaw nilang tanggapin, ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo," dagdag niya.
Gayunpaman, ang korte ay may inilaang piyansa na Php 6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Halos mangiyak-ngiyak na si Lolo Narding Floro nang makapanayam ito ng Asingan Provincial Information Office (PIO).
Ayon sa opisina, halos isang linggo ng nasa kustodiya si Lolo Narding ng Asingan PNP dahil sa kasong pagnanakaw ng 10 kilo ng mangga.
Dagdag pa ng opisina, gustong gusto na umanong umuwi ng Lolo Narding Floro sa kanila.
Sa ngayon, nanatili pa umanong nasa kustodiya ng Asingan PNP si Lolo Narding Floro.
Nag-ambag ambag naman ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang 6,000 pesos na pang-piyansa ni Lolo Narding.
Ngunit dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, ang Asingan Police ang nangangalaga kay lolo.
Ang balitang ito ay agad kumalat sa social media at marami ang hindi nagustuhan ang nangyaring pag-aresto kay Lolo Narding.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen sa social media:
"How cruel, unbelievable act of evilness . Give him pain and agony for mangoes? Those who own the property is a disgraced to human race."
"Ito ang crime stealing for mangoes. Plunder is a not a crime if you are a politician because you dont toughed a single bundle of money. It was just deposited to your bank acct with your consent. That is why plunder becomes a expertise of politician.let us put president like this. I like it."
"Grabe talaga pagmahirap kulungan pag mayaman mga pulpulitiko pagala gala sa labas party party tapos kakandidato p.Ang batas sa Pilipinas ay para sa may pera lamangš¢"