Hindi napigilan ng aktres na si Aiko Melendez na magpahayag ng kanyang pagkadismaya sa nag trending ngayon na si Gwyneth Chua o mas kilala bilang "Poblacion Girl."

Si Chua ay dapat sanang naka-quarantine pa sa isang hotel galing sa ibang bansa sa United States alinsunod sa mga quarantine rules. 

Ngunit, nawindang na lang ang mga netizen nang makita siyang nagpa-party sa isang bar sa Barangay Poblacion, Makati City. 

Tumakas siya sa kanyang quarantine facility para maka attend ng party nitong Disyembre 27. 

Nag positibo si Chua sa COVID-19 matapos siyang isinailalim sa RT-PCR test nitong Disyembre 29 lang kasama ang kanyang mga kaibigan na nakahalubilo niya sa nasabing party.

At nitong Disyembre 31 lang, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nagdeklara na muling isinailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 dulot ng tumataas na kaso ng COVID-19 infections. 

“Poblacion Girl – Happy New Year??? “Today Alert 3 tayo uli… habang ang majority ng tao sinusunod talaga ang lahat ng protocols. Meron pa din talaga ang iilan na nakakagulat they claim na me connections sa hotel? Government? Parang nakakahiya naman to,” sulat ni Aiko sa kanyang post. 

“For some ikot ng ikot lang wala pakialam basta maka-ikot. ‘Wag n’yo antayin na lahat ng actions n’yo tapos ang balik ang di n’yo kakayanin,” dagdag pa niya.


Nagbigay din ng babala si Aiko na kung maaari ay pigil pigilan muna ang 'eagerness' na makapag-party. 

“So reminder naman sa mga tao pigilin n’yo muna ‘yung eagerness n’yo gumimik kasi makaka-antay naman ‘yan tamo ‘tong Poblacion Girl dahil sa kagustuhan mag-party party tumaas na naman ang me COVID,” aniya.

Matatandaan, naantig noon ang mga puso ng mga netizen sa kumalat na post sa social media ng isa sa mga hinahangaang aktres na si Aiko Melendez matapos ang kanyang napaka-heart warming na interaksyon  sa isang lola na umani ng samu’t saring reaksyon.

Ayon kay Aiko, labis daw siyang naawa sa lola na nakita ng isa sa kanyang mga staffs na nanlilimos habang nakaupo sa isang simento.

Nilapitan niya umano ang lola na nagngangalang Dolores dahil labis siyang naawa sa kanyang nakita. Maliban sa kinausap niya ito, binigyan pa umano ni Aiko ng food packs si Nanay Dolores.

“Nakita ng staff ko kanina si nanay naka upo namamalimos Siya si Nanay Dolores. Inabutan sya ng food packs ng staff ko :) At nakikinuod ng TV sa kapitbahay ng show namen,” post ng aktres sa kanyang Instagram account. 

Dahil sa nalaman ni Aiko na wala umanong sariling television si Nanay Dolores, naisipan ni Aiko na bigyan si Nanay Dolores ng isang television bilag handog sa kanya.

So regalo ko syo nanay at alam ko na address mo simpleng tv ♥️ Sana masiyahan ka at di na kailangan makinuod sa kapitbahay :) Ingat Nanay Dolores! #stalucia,” dagdag pa niya. 


Kamakailan lang din ay kinumpirma ng aktres na tatakbo siya ngayong susunod na halalan bilang councilor sa Quezon City, 5th district.

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang aktres sa industriya. Nakatanggap siya ng “Best Supporting Actress” award sa kanyang pelikula na “Rainbow’s Sunset.”

Pumasok na rin siya sa mundo ng pulitika at nanungkulan sa Quezon City council nong 200. Umabot sa siyam na taon ang kanyang panunungkulan, hanggang 2010.

Source: KAMI