Panibagong tsismis na naman ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media matapos nabalitaang magkasama sina AJ Raval at Sean de Guzman na nag celebrate ng kanilang pasko. 

Dahil dito, marami ang nagtaka dahil tila nawala sa eksena si Aljur Abrenica, na nauugnay sa anak ni Jeric Raval. 

Ito ang naging dahilan para makatikim ng mga batikos ang sexy star at tinalikuran ang social media para makaiwas sa mga negatibong komento.

Sa isang media conference ng Hugas nitong Martes ng gabi, December 28, 2021, si AJ ang boluntaryong nagkwento na magkasama sila ni Sean sa araw ng pasko. 

Lahad niya, “Magkasama kami ni Sean nung Christmas. So, nag-usap kaming dalawa na gusto naman naming ma-recognize na magaling kaming umarte, hindi lang sa pagpapaseksi.

“Napag-usapan din namin ito bago kami nag-shoot ng Hugas so nag-prepare po kami talaga.

“Sa mga love scene namin, gaya ng sinabi niya, sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan.

"So, lalong naging mas deep yung bonding namin, yung samahan namin.


“So, nung ginawa namin yung mga love scene, parang nandoon talaga yung love. Makikita niyo talaga yung love sa love scenes." 

Pagpapatuloy ni AJ, "Sobrang okay po namin ni Sean.

"Nag-aaway na rin po kami ngayon. Yung pag-aaway namin, parang magkapatid po kami.

"Nag-away kami sa set, may eksena na parang magkaaway po talaga kami. Nagkamali po ako sa unang take, tapos sabi niya sa akin, ‘Okay lang ‘yan. It’s your fault naman.’

“Yung pagkakasabi niya, sarcastic talaga. Napikon ako, sabi ko kay Sean, 'Bakit, superstar ka ba?’ Tapos, magbabati rin kami.

"Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin.

"Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami.”

Inuulit niyang sabihin na hindi muna siya magiging aktibo sa social media sa darating na taon dahil gusto niya munang ibuhos ang pagmamahal sa kanyang sarili.

Saad niya, “Yung mga nangyari sa akin [ngayong 2021], gusto ko na pong iwan yun. Pero dahil sa mga nangyari nung nakaraan, may mga natutunan po ako.

"More on sa sarili ko, self-love, improvement, lagi po akong magtatanong sa lahat ng bagay para lagi po akong may natututunan.

"Yung mga negative issue, siguro hindi ko na po papansinin.


"Pagdating po ng 2022, wala na po akong social media, phone lang," nagsalita nang tapos na deklarasyon ni AJ.

Pinatotohanan naman ni Sean ang pahayag ni AJ at ayon sa kanya, komportable sila ngayon sa isa't isa. 

Dati-rati umano, gumagamit sina AJ at Sean ng plaster para matakpan ang mga pribadong parte ng kanilang mga katawan sa kanilang mga love scenes sa nakaraan nilang proyekto, ang Nerisa at Taya.

Pahayag ni Sean, “Hindi na kami naiilang talaga. Wala na talagang ilang.

"Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam.

"Pero maganda naman yung kinalabasan ng lahat. Hindi na po kami nagkakahiyaan.

"Nagkakakitaan, oo. Pero nagkakahiyaan, hindi.

"Yung na-build naming friendship, kahit sa labas o sa likod ng kamera, sobrang solid namin ni AJ."

Source: PEP