Isa si Alexa Ilacad sa mga pinag-uusapan ngayon sa social media matapos siyang na-evict sa "Pinoy Big Brother" house kasabay ang ex-celebrity housemate na si KD Estrada. 

Maraming mga netizen ang kinukuwestiyon si Alexa dahil tila lahat umano na pinapares sa kanya magmula nang siya ay pumasok sa bahay ni kuya ay "type" daw niya. 

Sa Twitter ay isa ngang basher ang sinagot ni Alexa.

Saad ng netizen, “Infairness naman talaga tong si Alexa, magaling mag fan service. Lahat type. Hahahaha!”

“Ha? Hatdog,” sagot naman ni Alexa.

Nang pumasok si Alexa sa bahay ni kuya ay naiugnay ang aktres sa iba't ibang housemates na sina Eian Rances, Benedix Ramos, at KD Estrada. 

Kamakailan lang, nagsama silang dalawa ni Alexa at Eian sa isang mall para panoorin ang tribute ng kanilang fandom.

At ngayon lang din, maingay din ang pangalan ni Alexa matapos ang naging sagot niya na "jojowain" daw nito si KD if given a chance.

Dahil dito, may netizen na nagsabing "user" daw si Alexa at sinabing  pa na akot si Alexa na mawalan ng fans.

“Yung @alexailacad kasi daming ships, ayaw mamili ng isa lang. Ayaw kasi mabawasan ang fans. Legit user @alexailacad with her toxic fans @ALEXAnators,” saad ng isang netizen na ngayon ay deleted na.

Agad naman ito sinagot ni Alexa at sinabing hindi siya isang user. Na-appreciate lamang niya ang taong sumusuporta sa kanila at mga fandoms nila.



“I came out of PBB surprised by all of these ships too.. Pero hindi ko kailangan ‘mamili’ because I appreciate ALL supporters from ALL ships. LALONG LALO NA ANG ALEXANATORS KO. dude, It wouldn’t hurt you to spread love and kindness, ok? Ikaw yung toxic eh,” sabi ni Alexa.

Mukhang may away rin sa pagitan ng KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) at KyJi (KD Estrada at Anji Salvacion) dahil base sa mga replies ay nabanggit ang parehas na fandom.

Maraming mga "AlEianatics" ang kinilig matapos kumalat ang post na nagpadala umano si Eian Rances ng bulaklak at mensahe kay Alexa Ilacad. 

"Maglalakbay patungo sa kung saan. Kahit walang kasiguraduhan daladala, ang napagkasunduan na tayo lang ang may alam," mensahe ni Eian kay Alexa. 

Samantala ang post na ito ay dinagsa ng samu't saring komento mula sa mga netizen. Heto ang ilan sa kanilang mga komento:

"I love u both🥺🤎🤎

Eian and Alexa😘😘

My Aleian heart🥺🤎🤎🤎"

Kung may iba man na natuwa sa naging paandar ni Eian kay Alexa, marami rin ang hindi natuwa sa kanyang ginawa kaugnay ng mga nagdaang isyu. 

"Wooowww..ginamit mo na nga sa loob ng pbb..pati ba naman sa showbiz...Wag kami Eian...

Alam namin kung ano ang  mga galawan mo..Stop using our baby girl Alexa..

Kdlex lang kami.."


"Is it just me or grab the opportunity tong si eian? Sikat na si Alexa at maraming fans kaya sya kumakapit. Para sumikat. Just sayin."

"Alexa huwag na si eian. Di kayo   magkakatuluyan wala kayong hawig ni katiting. Para lang kayong si andre at lou. Walang forever. 😁"

Kung babalikan ang isang episode, punong puno ng galit ang mga netizen sa tila naging pambabastos ni Eian kay Alexa Ilacad. 

Sa pagsisimula ng kanilang pag-uusap ay sinabi ni Eian na ayaw niyang tinuturing siya ni Alexa na bata, samantalang nais lamang i comfort ni Alexa si Eian dahil sa pagiging down nito sa nagdaang linggo.

“Hindi ko alam kung kailan ka totoo, kailan hindi,” paratang ni Eian, “That is so offensive, tingin mo gumagawa ako ng love team?,” prangkang tanong naman ni Alexa.

“Siguro” pakling sagot ni Eian, “So do you think ginagamit lang kita?,” diretsang tanong ni Alexa saka umalis si Eian kung saan naiwang hindi nakakapagpaliwanag si ALexa, “Sandali, ang bastos kausap.”

Source: bandera