Nilagnat ang isang anim na buwang sanggol matapos siyang aksidenteng nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa Santa Maria, Bulacan. 

Sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, ipinaliwanag ng ina ng sanggol na dapat sana ay pneumococcal vaccine ang ituturok sa nasabing sanggol noong Disyembre 29 sa health center.

"Yung future effect po kay baby kasi syempre, baby pa 'to. So 'yung mga internal organs niya baka hindi kaya 'yung gamot, Pwede ba itong maging cause ng pagiging special child?" pangamba ng ina.

Kasalukuyan ng iniimbestigahan ng Local Government Unit (LGU) at health officials ang nangyaring insidente at patuloy rin ang pagmo-monitor sa nasabing sanggol. 

Nagbigay din ng paalala si Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccinations Operations Center sa mga nagbabakuna na dapat iba ang refrigerator ng ng COVID-19 vaccines sa regular na bakuna. 

"We remind our implementers na hiwalay dapat ang paglalagyan at malaki ang label para hindi sila malito," sabi ni Cabotaje.

Sa ngayon, 12 anyos pa lamang ang maaaring turukan ng COVID-19 vaccines alinsunod sa isinasaad ng Department of Health (DOH).

Samantala, maaari na ring nagpabakuna ang lima hanggang 11 anyos sa unang linggo ng Pebrero kapag dumating na ang bakuna para sa kanila. 

Isa sa mga malaki ang naging sakripisyo sa panahon ng pandemya ay ang mga health workers. Sila ang nagsilbi nating mga “frontliners” na siyang tinaguriang ng marami na mga bagong bayani sa “new normal.”

Marami sa kanila ang kinilala dahil sa pagpapakita sa kanilang kabayanihan. Marami sa ating mga doctors at nurses ang halos ginawang bahay ang ospital para lang masiguro at mapangalagaan ang kondisyon ng isang taong may COVID. 


Matapos sumikat sa Brazil ang “hands of God” para sa mga isolated COVID patients sa ospital, isang Pinoy nurse ang gumaya sa “hands of God”  sa pasyenteng naka intubate na naging viral agad sa social media. 

Ang “hand of God” ay pinagtaling daliri ng dalawang medical gloves na nilagyan ng maligamgam na tubig para magbigay ng comfort sa mga COVID patients na labis na nangangailangan ng karamay.

Nag viral noon ang nurse na nagngangalang  Alexander Merabel, isang nursing attendant sa COVID 19 Complex ng Victoria Luna General Hospital. 

“Naisip ko kasi ang mga pasyente namin ay nabu burido, tahimik ahh parang feeling ko stressful sila,” sabi ni Alex.

Sa nakitang photo sa social media, sinubukan niya ang “hands of God” sa isang pasyente niya na naka intubate. Sinubukan niyang gawin ito para ipakita sa kanyang pasyente na hindi ito nag-iisa. 

Sobrang natuwa ang pasyente at labis ang pagpapasalamat nito at pinadalhan pa umano siya ng sulat pasasalamat. 

“Alex, maraming salamat dun sa ginawa mong mga daliri. Laking tulong sakin,” sulat pasasalamat ng kanyang pasyente.

Sa ulat ng GMA News, sinabi ni Alex na sobrang natuwa ang kanyang pasyente at pinadalhan pa umano siya ng sulat pasasalamat dahil malaki ang naitulong sa ginawa niyang daliri o ang “hands of God” sa kanyang dahan-dahan na recovery. 

Nabanggit din siya sa ulat na ginaya lang niya ang ideyang nakita niya mula sa pinakaunang nurse ng Brazil na nakadiskubre rin nito. Ani niya Si Lidiane Melo, ay nagtatrabaho sa ospital ng Ilha do Governador , North Zone ng Rio de Janeiro. 

Naisipan niyang gawin ito matapos nahirapan ang kanyang pasyente na makakuha ng oxygen. Naalala niya ang ideya ng nurse sa Brazil ngunit dahil sa banta ng COVID, nilagyan niya ng maligamgam na tubig at pinagtali ng dalawang medical gloves.

Kapag malamig kasi ang kamay, mataas ang error ng pagkuha ng oxygen saturation. Sa tulong ng “hands of God” gumaganda ang sirkulasyon ng dugo sa katawan na nakakatulong sa pagkuha ng datos nito.

Ang “hands of God” ay isanqg napakalaking tulong para sa mga COVID patients lalong lalo na sa isolation na paraan sa gamutan ng COVID. Nagsilbi siyang human contact para sa mga taong hindi na halos maramdaman ang kanilang mga mahal sa buhay.


Marami sa mga netizen ang labis na natuwa sa ginawa ng Pinoy nurse sa kanyang pasyente. Kahit sa maliit na bagay ay binigyan niya ng totoong pagmamalasakit ang isang COVID-19 positive. 

“Salute sir. Ang bait nyo sanay marami pang tulad mo sa mundo sa panahong ito. Grabe din corona dito sa Europa until now. Affected kami mga Pinoy mostly natigil sa work at di naman makapagkita kita man lang. You are an inspiration.”

“God bless po sir. Sana po ituloy nyo lang po yan, para magkaroon ng pag-asa ang mga may sakit. Saludo po ako sayo sir.”

“You are a hero sana marami pa katulad mo.”

Si Alex ay dating fast food manager subalit napilitan niyang magresign dahil sa pandemya. Labis din ang paghanga ni Alex sa mga kapwa niya frontliners dahil sa pagiging matapang at pagbibigay ng malasakit sa mga COVID patients.

Source: gmanetwork