Mainit na pinag-uusapan ngayon ang balita na hiwalay na umano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ayon sa source ni Ogie Diaz. 

Ito ay kinumpirma umano ng mga mapagkakatiwalaang source ni Ogie na hiwalay na ang couple na sina Barbie at Diego.

Matatandaan, naging showbiz topic din ang dalawa sa kanyang showbiz vlog update at dito ibinahagi niya ang mga nalalaman niya galing sa mga legit sources. 

“Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?,” panimula ni Ogie na reaksyon niya sa naging kasagutan ni Diego patungkol sa dahilan ng hindi pagkakasama ni Barbie sa amerika.

“Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?,” pakli naman ni Mama Loi na kasama ni Ogie sa vlog.

Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw.

“Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin,” buong paliwanag ni Ogie.

Kamakailan lang, nahuli sa akto sina Tony Labrusca at Barbie Imperial na magkasama sa isang Korean restaurant sa gitna ng tsismis na hiwalay na sina Barbie at Diego.

Makikita ditong magkasama ang dalawa habang kumakain at may hawak na cellphone si Barbie. Hinihinala naman ng netizens na totoo ngang hiwalay na sila ni Diego. Bagay na hindi pinalagpas ng mga marites.

Ang nasabing picture ay pinost ng walang iba kundi ang tinaguriang "Pambansang Marites" na si Xian Gaza. 


Mainit na rin ngayon ang chika kung hiwalay na nga ba si Barbie sa kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga, base sa mga hinala ng mga netizen.

Bukod sa pictures nilang magkasamang kumain, usap-usapan rin ang mga litrato nila na magkasamang naglalaro ng tennis. 

Makikita ito sa Instagram stories at posts ni Bang Pineda noong nakaraang mga araw kasama ang kanilang kaibigan.

Unang buwan pa lang ng bagong taon ay samu't-saring haka-haka na ang lumalabas sa social media. Kabilang na rito ang bali-balita ng kanya-kanyang netizens na hiwalay na raw umano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Tila mainit pa rin ang mata ni Xian Gaza sa aktres na si Barbie Imperial dahil sa mga kontrobersyal na posts nito tungkol sa kanya.

Sa pagpasok pa lang ng bagong taon, panibagong isyu na naman ang tila pinakalat ni Xian Gaza na kaugnay umano kay Barbie Imperial at Kathryn Bernardo. 


“Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo,” post niya habang naka tag pa umano ang dalawang aktres.

Tila nga idinadawit o idinidikit naman ngayon ni Xian Gaza si Barbie Imperial kay Daniel Padilla na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Sa sumunod na post nito ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan magkalapit sina Barbie Imperial at Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla, “Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?,” caption niya rito.

Sa panibagong post ni Xian, tila idinidikit naman niya si Barbie Imperial na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Maging ang naging caption ni Barbie Imperial matapos siya magpalit ng display profile ay hindi pinalampas ni Xian. Ang caption ay, "new year, new dp" na kaakibat ng post ni Xian na may caption din na, "ano ba talaga meaning ng DP? Default Picture or Display Photo?

Samantala isang avid fan ang siyang nagbahagi ng post niya kay Daniel, “Ang Bumangga giba,” caption ng post na sinend kay Daniel.

“Salamat haha, Pero wag niyo ng pansinin yun. Nonsense,” reply ni Daniel sa naturang mensahe. Hindi malinaw kung ito nga ba ay sagot ni Daniel para sa intriga ni Xian, ngunit angkop naman sa nangyayari na hindi na dapat pang pansinin ang patutsada ni Xian sa kanila.

Source: