Likas talaga sa isang bata ang pagiging malikot at ang pagiging ma-curious sa lahat ng bagay. Kaya naman, kapag sila ay nagiging tahimik na, tiyak na may kakaibang ginagawa na ang mga bata. 

Kagaya na lamang ng kwento ng isang batang ito. Napansin umano ang isang bata na tila tahimik sa tapat ng kanilang bintana taliwas sa kadalasang pagiging makulit nito.

Tila tulala umano ang bata at abalang abala habang may dinudukot na bagay mula sa kanyang bulsa. 

Kaya agad namang sinilip ang laman ng bulsa at napag alamang ang kinakain pala ng bata ay patuka o feeds na pagkain ng manok.

Ang post na ito ay mabilis na nag viral sa social media. Samu't saring mga komento ang natanggap ng mga magulang ng bata mula sa mga netizen.

Kapansin pansin ang komento ng isang nag ngangalang Gen Polinar.

Ayon sa kanya, pamangkin niya batang ang nasa litrato at taliwas sa panghuhusga ng marami, nilinaw nito na hindi nila pinabayaan ang bata.

Sinabi nito na kasalukuyang nasa trabaho ang mga magulang ng bata ng mangyari ang kinunang larawan at sila ang naatasan para tignan ang kanilang pamangkin.

Dagdag pa niya, mayroon umano silang tindahan at isa sa kanilang mga paninda ay ang feeds o patuka ng manok. Nagkataon lang umano na nakalimutang isara ng kapatid ni Gen ang pintuan ng tindahan. 

Ito ang sinasabi na maaring dahilan para makapasok at makakuha ng patuka ang makulit na bata.

"Ganito po kc yan may tindahan kami kaya mayron feeds, nakalimutan esara ng kapatid ko ung tindahan. ang nag bantay ng bata ang kapatid ko na isa, may ginagawa ung kapatid ko pag balik nya ganyan na po ang ng yari ung bulsa ng damit ng bata mayron ng feeds."

Nilinaw din ni Gen sa mga tao na nag-aakalang ginutom nila ang bata at baka inuna raw umano ang pagkain ng manok nila kaysa sa pagkain ng bata.


"Hindi po namin pinabayaan yong bata, Hindi rin nami yan ginutom.. Marami po siya stock na pag kain at gatas, mayron po din syang vitamins.."

"Sa nag sabi po na mas inuna Pa ang alagang manok kaysa bata hindi po totoo yan kc wala naman po kaming alagang na pang sabong na manok, at that time po nag trabaho po yong mama at papa ng bata."

"Sana naman po wag po kayo gumawa ng storya Hindi naman totoo.. Hindi nyo naman po alam ang buong details."

Matatandaan, nagkagulo sa social media matapos nai-post ang video ng aktong pagkain ng isang toddler sa buhay na coconut worm o batud sa Surigao.

Ang videong ito ay pinost sa Facebook noong April 6, 2021 at umani agad ito ng daan-daang mga comments. 

Kitang kita ka sa video ang mga matataba at gumagalaw na batud na nagsigalawan sa plato habang kinakain ito ng bata.

Makikita rin sa video na sinubukang kunin ng mas nakakatandang batang lalaki ang kinakaing batud pero umiyak ang batang babae.

Maririnig naman sa video ang boses ng tatay ng bata na ipapaligpit na ang pagkain at ang dahilan umano na umiyak ulit ang bata.

Lumalabas sa video na ayaw mamigay ng batang babae sa mga batud na nasa plato.



Para makalma ang isipan ng babae, naisipan niyang mamigay nalang ng mga batud sa mga taong nasa paligid niya.

Inulan naman ng kabi-kabilang mga komento ang nakitang video sa Facebook. Marami ang di natuwa sa nakitang post dahil sa umano’y hindi ligtas ang kinakain ng batang babae.

Marami ang nagparating ng kanilang pagkakadismaya sa mga magulang ng bata dahil hindi tama ang ginawang pag-aaruga sa kanilang mga anak. 

“Parents should make sure the food you give to your children are good. Sa pagkain nayan, the parents maybe out of there mind ibinigay nila sa anak nila yung hindi luto na pagkain. Butit hindi natakot yung anak niyo.”

“Ano yan? Nakakain ba yan? OMG.”

“Hee anu yan pinapakain sa bata hilaw.”

“Ayy ano ba yan kahi8 ood pinapakain nasa bata wala na bang ibang makain nyan kahi8 ako babayaran ng libo libo ayaw ko rin.”

“Looda ana oi.”

“Eeew yucks ka luod ana oyy.”

Napilitan humingi ng tulong ang mag-asawa ng tulong kay Raffy Tulfo dahil umano sa di nakayanang mga harsh comments at pamba-bash ng mga nakakakita sa video. 

Agad naman tumugon ang programang Tulfo at ayon sa kanyang research, napag-alaman na edible ang coconut warm o batud. 

Ang batud ay isang popular na delicacy sa Vietnam kung tawagin ay duong dua. “It is considered as invertebrate , gaya ng insects, sea urchin, crabs, lobsters. Iyan po ay nakakain,” sabi ni Raffy Tulfo. 

Dugtong niya pa, “Makikita sa video at sarap na sarap ang bata. Edible naman talaga iyan. That is protein.”

Source: thedailysentry