Nakita sa loob ng isang kanal ang isang walong-taong gulang na babae na ilang araw na umanong nawawala sa Taytay, Rizal.

Sa ulat ni Nico Waje sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing noong Linggo ng gabi nang mawala sa kanilang bahay ang biktimang si Rona Garcia, ng Sitio Tibagan sa Barangay Dolores.

Ayon pa sa ama ng bata, bandang 9:00 pm ay katabi pa umano niya natulog ang kanyang anak. Pero nang magising siya bandang 11:00 pm, wala na umano sa tabi niya ang kanyang anak. 

Hindi niya nakita ang kanyang anak nang gabing hinanap niya iyon at  agad iniulat na sa barangay ang nasabing insidente kinaumagahan. 

Nitong Huwebes ng hapon, ilang bata ang nakapansin sa masangsang na amoy at nilalangaw sa bahagi ng loob ng kanal.


Inilarawan din dito ng mga bata na may napansin silang parte ng katawan ng tao. 

Kaya, ipinag-bigay alam nila ito sa mga nakakatanda, na sila namang tumawag sa barangay para malaman kung ano ang bagay na nasa loob ng kanal. 

Nang gibain na ang kanal, tumambad sa mga residente doon ang bangkay ng biktima ng isang walong taong gulang na bata.

Ito ang bata na siyang sinasabi ng kanyang ama na nawawala ilang araw na ang nakalipas. 

Nakita ang biktima na may takip sa ulo at wala na umano itong saplot pang-ibaba sa kanyang katawan. 

Medyo masangsang na rin ang amoy dahil ilang araw na din ang kanyang labi doon sa kanal. 



Hindi halos matanggap ng mga magulang biktima ang nangyari sa kanilang anak. Walang awa umano ang gumawa nito sa kanilang walong taong gulang na anak.

Ang naturang kanal na kung saan makikita ang bangkay ng biktima ay katapat lang mismo ng kanilang bahay.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung sino ang salarin sa nasabing krimen. Isasailalim din sa awtopsiya ang bangkay para malaman kung ginahasa nga ba ang biktima. 

Panoorin ang buong video dito!