Malaking katanungan hanggang ngayon mula sa mga nakakakilala kay Beatrice Pia White na asawa sikat na basketball player na si Terrence Romeo sa nangyari umanong investment scam.

Ito ay matapos wala ng balita kung saan pinagdadala umano nito ang mga milyones na na-invest sa kanya ng kanyang mga kaibigan para sa kanyang chicken farm at palayan sa Lopez Quezon.

Isa ang vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa mga taong hindi naibalik ang limang milyon nitong investment na pangako ni Pia ay babayaran niya hanggang sa nasakote na nga siya at kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame, Quezon City.

Base sa pag-uusap nila ni Ogie at Mama Loi sa kanyang YouTube channel, nabanggit ng una na maraming nagte-text sa kanya na may mga nag invest sa kanya ng Php 80 milyon na ikinagulat daw niya.

Kaya ang tanong ni mama Loi, “Saan niya dinadala?” na hindi rin naman alam din ni Ogie.

Sina Nanay Cristy Fermin at Manay Lolit Solis ay nakakausap pala si Beatrice Pia dahil nagpupunta ito sa Obra ni Nanay Gallery at sabi nga ng una, “nakikipaglapit alangan namang ipagtabuyan namin.”

At dito, ibinunyag ni Manay Lolit na mayroong bisyo si Terrence kaya nga siguro nabaon sa utang ang kanyang asawa na si Pia.

Ang caption ni Manay Lolit sa pinost niyan larawan ni Terrence.

“Isang napakahirap na problema sa lahat Salve iyon PERA. Kaya na imagine ko kung gaano kabigat siguro ang ulo ni Pia Romeo, asawa ni Terrence habang araw-araw siyang hinahabol ng mga taong inutangan niya ng pera.


“Nakakaawa dahil isang babae na bata pa at maganda pero baon sa utang si Pia Romeo. Ewan ko kung totoo na dahil sa naging ‘bisyo’ daw sa sugal ng asawang si Terrence kaya nabaon sa utang si Pia. Imposible na hindi ito alam ni Terrence, na may mga problema sa pera ang asawa.

“Meron silang isang anak na napakabata pa at kawawa naman na heto at ang laking problema ng sinusuong ng kanyang ina. Isang bagay kasi na dapat lagi mo nasa isip, huwag dapat lalagpas sa kinikita mo ang ginagasta mo.

“Huwag mo pasukin ang bisyo na magiging problema mo later on. At kung hindi kaya, huwag pilitin. Iyan pera kasi, pag hinahabol mo mas lalong lumalayo sa iyo, lalo kang tutuksuhin.

“Pinakamahirap na tuwing gigising ka sa umaga hayan na ang mga naniningil sa iyo, naghahanap ng bayad. Kaloka na isa kang babae na bata at maganda kailangan magkaruon ng ganitong problema.

“Parang hindi naman pagmamahal na ng isang asawa na humarap sa ganitong problema ng hindi tinutulungan ng kanyang partner. Dapat sa ganitong pagkakataon, magkasama kayong lumutas ng problema.

“Prayers na sana maayos ito ni Beatrice Pia Romeo, para sa kanyang anak, at dapat tulungan siya ni Terrence.”

Ngunit, kinontra ito ng mga followers ni Lolit dahil hindi pa umano nagkakilala si Pia at Terrence ay scammer na noong una si Pia. 


Mula kay @vhenus.aphrodite, “Manay malaki ang sweldo ni Terrence baka nag hiwalay ‘yan dahil di mapigilan ang asawa n’ya sa maling gawain buti sana kung nangungutang ang girl dahil walang trabaho ang asawa eh hindi nman ganon.. ksama sa sindikato ang asawa may mga kasabwat!! Ginusto nya yan.”

Sang-ayon din si @thefrugaldrifter, “@vhenus.aphrodite saka bago pa naging sila ni Terrence scammer na ‘yang pia sabi sa mga news.”

Dagdag pa ni @joanamay05, “Syempre alam ni Terrence na mapera s’ya. Sabi nya kay Terrence may business s’ya. Sabi sa internet 2008 pa manloloko na. At talagang trained ng sindikato. Barya lang sa kanya ang milyon. Ano manloloko s’ya ng tao para ipakain sa asawa nya e kalahating milyon ang sweldo ni Terrence. Saan napunta pera nu’ng isa. Sa kulungan na s’ya mabubulok.”

Base lamang sa mga komento, matagal na umanong scammer si Pia at malabo ang rason na mayroong bisyo si Terrence kaya nagkabaon sa utang ang kanyang asawa. 

Source: bandera