Marami ang nagulat sa umanong rebelasyon tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ni Carla Abellana at Tom Rodriguez na bagong kasal lang.

Ito ay matapos nagtanong ang isang kaibigang direktor kung hiwalay na nga ba talaga ang couple.

Parang nakakapanghinayang kasi na ang tagal nilang magkasintahan. At kung kailan ikinasal na, doon pa umugong ang balita tungkol sa hiwalayan nila. 

Matatandaan, ikinasal sila ni Tom at Carla sa Tagaytay noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taon nilang relasyon bilang magkasintahan. 

Sa kani-kanyang Instagram account ay andiyan pa ang mga litrato nilang magkasama, pero in-unfollow nila ang isa’t isa.

Sa Instagram account ni Tom, maraming supporters nila ang umaasam na kung may pinagdadaanan man silang mag-asawa, dapat ay maging matatag sila qt maayos din iyon sa madaling panahon. 



Samantala, isang sikat na aktres umano ang sinasabing pinagseselosan ni Carla.

Nagpadala na umano ng text message ang PEP sa manager na si Popoy Carativio at pati kay Carla, pero wala pa umanong sagot mula sa kanila. 

Ngayon, wala pang sagot ang dalawa tungkol sa trending na balita kung totoo nga ba na hiwalay na nga ang mag-asawa. 

Nitong araw lang din, mainit na pinag-uusapan ngayon ang balita na hiwalay na umano sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ayon sa source ni Ogie Diaz. 

Ito ay kinumpirma umano ng mga mapagkakatiwalaang source ni Ogie na hiwalay na ang couple na sina Barbie at Diego.


Matatandaan, naging showbiz topic din ang dalawa sa kanyang showbiz vlog update at dito ibinahagi niya ang mga nalalaman niya galing sa mga legit sources. 

“Bakit may mga ‘I think’, di sila nag-usap?,” panimula ni Ogie na reaksyon niya sa naging kasagutan ni Diego patungkol sa dahilan ng hindi pagkakasama ni Barbie sa amerika.

“Diba dapat mas diretso na salita na, ‘She would like to come’ or ‘I invited her to come with me kaso she doesn’t have a visa.’ Diba dapat ganun? Bakit ‘I think she doesn’t have a passport’, ‘I think she doesn’t have a visa.’ Bakit di mo alam?,” pakli naman ni Mama Loi na kasama ni Ogie sa vlog.

Totoo ba? Ito ay tinatanong ko ah. Kasi meron lang pong nagparating sa akin na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial, ang kanilang relasyon, kung san na napunta… Ang sabi lang sakin ah, waley na raw.

“Ang nabalitaan natin ano, nag-away daw itong si Barbie at si Diego. Tapos ang sabi, mamili lang daw si Diego. Itutuloy pa ba natin ‘to or hiwalay na? Eh parang nanalo ata yung hiwalay na. Yun po yung nakarating sa akin,” buong paliwanag ni Ogie.

Source: PEP