Isang celebrity 'break up' isyu na naman ang pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang umano'y hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza. 

Isa sina Carlo at Trina sa mga celebrity couple na binigla ang publiko sa pagkakaroon nila ng anak. Nalaman na lang na may baby na pala sila ng manganak na si Trina.

Marami rin ang humahanga sa kanila dahil nga 'couple goals' ang istorya ng kanilang pag-iibigan. Kwento pa noon ng aktor, agad siyang nabighani noong una pa lang niyang nakita sa Trina. 

Kaya naman hinanap niya daw mismo ang social media accounts noon ni Trina. Para lubos niya pa itong makilala.

Hanggang sa lumipas ang mga araw, nagbunga ang kanilang magandang relasyon. Nabiyayaan sila ng isang magandang supling.

Samantala, bali-balita na ngayon, makalipas umano ang ilang taon, tila nagwakas na umano ang kwento ng kanilang pagmamahalan.

Agad napansin ng mga netizen pag-unfollow ni Trina at Carlo sa isa't isa sa Instagram.


Sa isang post ni Carlo, may isang netizen na hindi napigilan ang pagtanong niya kay Carlo.

Nagbahagi kasi ang aktor ng larawan nilang mag-ama sa caption saad ni Carlo, “Buong puso”

Sa comment section, doon na nila inusisa ang tsismis tungkol umano sa hiwalayan nila ni Carlo at Trina. 

May netizen pa na nagsabi na hindi na daw nagsasama sina Carlo at Trina. Napansin din nila na hindi na naka-tag si Carlo sa mga post ni Trina.

May ilan pang mga netizen na kinumpirma na umano'y hiwalay na ang dating 'couple goals.'

Sa ngayon, wala pa namang pahayag ang dalawa na sina Carlo at Trina tungkol sa umuugong na tsismis sa social media.


September 8, mismong araw na nanganak ang kasintahan ang aktor, ibinunyag sa publiko na isa na siyang ganap na ama sa kanilang napakacute na baby na si Elona Mithi. 

At buwan lamang matapos manganak si Trina, masaya nilang ipinagdiwang ang first month birthday ni Elona Mithi.

Nag viral din ang ito dahil sa pagsuot nito ng kulay pink na Personal Protective Equipment (PPE) sa kanyang 1st month birthday.