Pinag-uusapan ngayon sa social media ang lantarang pahayag ni Cristy Fermin sa kanyang online show na, "Cristy Ferminute."

Napag-usapan nila ni Nanay Cristy at ng kanyang co-host ang tungkol umano sa past romances nila ng Queen of all Media na si Kris Aquino at ang sikat na aktor na si Robin Padilla.

Ibinunyag ni Nanay Cristy na mayroon umanong ginawa si Robin na siyang ikina-turn off ni Kris Aquino.

"Alam mo ba kung bakit inayawan ni Kris si Robin?" tanong ni Nanay Cristy sa kanyang co-host.

Dito na sinabi ni Nanay Cristy ang "alleged reason" tungkol sa pagkawala ng interest ni Kris sa aktor.

“Niyaya kami magsimba ni Kris sa Manaoag. Oo niyaya kami, ano 'yan, gabi 'yan, umuwi kami madaling-araw na. Ngayon, nagsimba siya, mayroon daw siyang hihilingin sa Manaoag, sabi ni Kris. Sumama naman si Robin.” “Ito sigurong si Robin, bwisit na bwisit na, kay tagal-tagal magsimba ni Kris, siguro lahat na lang hinihingi sa Diyos. "Umutot, umutot si Robin. Nadinig ni Kris.” 

Dahil sa ginawa ni Robin, akala umano ng aktres na walang 'manners' ang aktor.

“Sabi niya (Kris), 'I don't like him na,' sabi niya nu'ng palabas na kami ng simbahan, nasa gilid kami ng daan. 'I don't like him na, he has no manners... inside the church he farted.'” “Sabi ko naman kay Robin, 'Anak naman, ba't sa loob ng simbahan, nadinig pa niya, umutot ka.' Sabi niya, 'E ano gagawin ko, hirap na hirap na ako. Alangan namang pigilin ko 'yung hangin.'" 

“Very Robin Padilla, very totoo,” komento ni Nanay Cristy kay Robin. 


Kamakailan lang, hindi nakapagtimpi  si Kris Aquino sa mga pambabatikos na natanggap niya matapos niyang isapubliko ang ginawang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette. 

Sa isang post, sinabi niya na kahit pasko ay hindi niya ipagkibit-balikat ang mga sinasabi laban sa kanya. 

“Kahit PASKO, sorry I’m not a bit sorry, PASENSYAHAN tayo. Sa mga haters and bashers, obvious ba, I’m not my brother who was too humble and proper for his own good, who chose to suffer in silence kaya namihasa na lang kayo,” ani Kris sa mahabang post sa Instagram.

Sinagot rin ng aktres ang mga bumabatikos sa kanya sa mga post niya tungkol sa pagtulong niya sa mga biktima ng bagyong Odette. 

Aniya pa, hindi siya dapat pagsabihan ng mga tao na huwag isapubliko ang kanyang pagtulong para sa mga nasalanta.

“Alam ko na babanatan ako ng mga ilan dahil sa posts ko BUT did you think maaawat n’yo ako? Bakit n’yo ako tuturuan to quietly help? Hindi ko ninakaw ‘yong perang ginamit, hindi pera ng gobyerno, galing sa sarili kong bulsa,” sabi niya pa.

Alam niya rin daw na sa pamamagitan ng kanyang pag post, marami ang mas ma e-engage na tumulong sa kanilang kapwa. 

Paliwanag rin niya na hindi pamumulitika ang pakay niya at sadyang pink lang talaga ang paborito niyang kulay. 

“Some are accusing me na namumulitika ako – hello? Kandidato ba ako? Purposely cropped out ‘yong kandidato na kasama ko. ‘Yong kulay ng suot ko, sa dating bahay pa lang namin alam n’yo na, favorite color ko."


Paalala niya pa sa bashers, palaban ang Aquino na kanilang kinahaharap. “Iba na ang panahon because haters, bashers, and trolls YOU are now getting the AQUINO you super deserve dahil 6 years old pa lang, PALABAN na ‘ko.”

“And to my loyal friends, followers, and supporters, basta hindi feeling perfect na mapanghusga, you’ll also receive what you deserve, ‘yong for life kong pangako na sa oras ng pangangailangan, gagawan ko ng paraan na ako’y inyong maaasahan & #lovelovelove tayo habang buhay.”

Source: KAMI