Viral ngayon ang ibinahaging video ni Dra. Vicki Belo sa kanyang TikTok account tungkol sa liposuction procedure na ginawa nila kay Janella Salvador. 

Ginawa nila ang tinatawag na "skin genius" sa balat ni Janella upang lumiit ang mga loose skin ng aktres. 

Body positivity naman ang sinisigaw ni Vicki Belo sa video na ito sa lahat ng tao na gusto magpa-procedure tulad ni Janella.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang mga netizen sa kani-kanilang mga komento sa nasabing video. Mayroong mga inspiring at mga witty comments:

@Hope Khris Arceo: “OMG! This video shows to me that i really need to work harder and earn lot of money . You know ambisyosa ako gusto ko rin magpaganda. HAHAHAHAHA”

@LoveLy: “madami ang possible mangyari as long as may pera ka po  Doesnt mean na pag mataba pangit po.”

@Sara Jp: “she's pretty kahit she gain weight”

@jperete: “ang hirap paniwalaan na may anak na si janella salvador like parang dati lang ayaw ni nanay ayaw ni tatay mapili si ate at si kuya”

Matatandaan, nagbigay ng paalala noon si Dra. Vicki Belo sa kanyang content sa TikTok na pinost niya sa kanyang Instagram na nagbigay babala sa  mga tao sa maaaring maging mga effects na pwedeng maidulot nito kapag ginamit ang nasabing  beauty product.

Ayon sa dermatologist, ang pore vacuum cleaners ay nagbibigay ng hindi mabuting epekto sa balat kaysa magbigay umano ito ng magandang epekto. 

Para mas  maging malinaw ang kanyang point, nirepost niya ang isang Tiktok video ng may handle name na jesus 7853 at ang naturang video ay nagpakita ng isang lalaki na labis na namumula ang kanyang mukha na sinabi naman ng lalaki na resulta ito ng paggamit niya ng pore vacuum cleaner.

Nagbigay ng advice si Dra. Belo na kailangan kumunsulta sa isang professional dermatologist kung gusto talaga ng isang tao na matanggal yung mga blackheads at whiteheads kaysa gumamit ng pore vacuum cleaner.






Ipinaliwanag din ng Dra. ang mga repercussions sa paggamit ng pore vacuum cleaner ay maaaring maging severe enough na ang isang tao ay kinakailangan pang mag undergo ng laser therapy. 

Si Dra. Vicki Belo ay isang sikat na dermatologist at television personality. Siya ay founder, CEO at Medical Director ng Belo Medical Group.

Ikinasal siya sa kanyang boyfriend na si Hayden Kho sa Paris noong 2017. Noong May 2016, pinakilala nila ni Belo at Hayden Kho ang kanilang anak na si Scarlet Snow Belo.

Ang kanilang anak na si Scarlet Snow ay sinasabing natapos na nito ang kanyang kindergarten. Maalalang pinost ito ni Hayden ang naging achievements ng kanilang anak. Ibinahagi niya ang isang photo na kung saan nakasuot ang kanilang anak ng graduation gown.

Source: dailyfeedplanet