Maliban sa pagiging abala ni Ellen Adarna sa kanyang trabaho sa showbiz bilang isang artista, mas pinagtutuunan pa rin niya ng pansin ang kanyang pagiging mommy sa kanyang anak na si Elias Modesto. 

Makikita sa social media na madalas ang pagba-bonding nilang mag-mommy hindi lang sa loob ng bahay, pati na rin sa magagandang lugar.

Hilig nilang mag-ina na mag travel at magbakasyon sa ibang lugar lalong lalo na sa mga beaches. At kapansin-pansin talaga ang pag-aalaga ni Ellen Adarna.

Sa katunayan nga nito, sa kagustuhan niya mabigyan ng proteksyon ang mga mata ni Elias mula sa sikat ng araw, ay napabili siya ng shades ng kanyang anak nang wala sa oras.

Kilalang mayaman si Ellen Adarna. Ngunit, may mga bagay pa rin na isinaalang-alang ang aktres sa pagdating sa usaping pera. 

Katulad na lamang ng pagbili niya kay Elias ng shades na hindi niya inakalang mamahalin pala. Sa isang TikTok video, ibinahagi niya ang kanyang "worst purchase."

Ito ay ang pagbili niya ng shades para sa kanyang anak na si Elias ma hindi niya inasahan ang presyo.

Kwento ng aktres, ay nasa isang bakasyon sila noon sa isang beach nang maisipan niyang bilhan ang kanyang anak ng shades bilang proteksyon ng mga mata nito sa sikat ng araw. 


Hindi na nga raw tiningnan ni Ellen pa ang presyo ng shades sa pag-aakala na mura lamang ito.

Ngunit, sa pag check-out niya sa item, laking gulat na lang niya na nagkakahalaga pala ng Php 25,000 ang shades. 

Dagdag pa ng aktres, ang shades na binili niya para kay Elias ay mas mahal pa umano kumpara sa mga shades niya. 

Inasahan umano ng aktres na nasa Php 10,000 lamang ang presyo ng shades. Ngunit iyon nga, dahil nabili na ang shades, wala na siyang magawa. 


Hindi na rin kinansela ng aktres o ibinalik ang nabiling shades para kay Elias. Nagamit din naman ito ng anak niya sa loob ng tatlong araw nilang bakasyon. 

Kahit may panghihinayang ang aktres dahil sa presyo ng shades, iniisip na lamang niya na mapapakinabangan naman ito ni Elias. 

Sa huling bahagi naman ng video ay ipinakita ni Ellen ang hitsura ng shades na kanyang nabili para sa kanyang anak.


Makikita naman na maganda ito at bumagay sa gwapong mukha ni Elias. Kahit na napakamahal nito, may naitulong naman kay Elias bilang proteksyon sa kanyang mata. 

Tiyak naman na magagamit pa ito ni Elias sa mga darating pang bakasyon kasama ang kanyang mommy Ellen lalo nga’t mahilig silang mag-ina na magbakasyon sa beach.

Source: tambaykamuna